Saturday, July 26, 2014

Episode 25: I Love You

...sa pagpapatuloy ng istorya.

            Nagulat si Luisa sa kanyang nakita. Hindi niya inaasahan na babalik si Marco.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Luisa.

            Bumalik si Marco dahil gusto niyang linawin ang lahat. Isa pa ay haharapin na niya ang pagiging torpe nito at baka magtapat na siya ng nararamdaman niya, malay natin baka manatiling bestfriend na lang ang turingan nila sa isat isa.

“Hindi mo man lang ba ako babatiin ng good morning?” sumbat ni Marco.
            Nagkukunwaring galit si Luisa pero gusto talaga niyang makita si Marco.
“Bakit ka umalis kahapon? Tapatin mo nga ako, may gusto ka ba sa akin?” tanong ni Luisa.
“Pwede ba isa-isa lang mahina ang kalaban?” sagot ni Marco.

“Una, umalis ako dahil takot ako, hindi ko malabanan ang pagiging torpe ko.” Paliwanag ni Marco.
“Ngayon at nasagot mo na ang unang tanong ko, may gusto ka ba sa akin?” tanong ulit ni Luisa.

            Muntik nanamang mmapanghinaan ng loob si Marco ngunit matapng na niyang hinarap ito.

“Oo. Oo best. Noon pa! “ sagot ni Marco.
            Nagulat naman si Luisa sa sagot niya at ikinatuwa naman ni Aling Freda ang narinig niya dahil kanina pa pala niya pinag mamasdan ang dalawa. Namula naman ang pisngi ni Luisa nang marinig niya ang sagot ni Marco ganun din si Marco.

“May gusto ako sa’yo noon pa ngunit hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil lagi akong pinanghihinaan ng loob at baka tanggihan mo lang ako.” Sagot ulit ni Marco.

“Paano mo malalaman ang sagot ko kung hindi mo susubukan?” ani Luisa

“Hindi ko alam! Inisip ko na lang siguro mas mabuti na lang na magkaibigan tayo pero nung nag date kayo ni Edward, nagselos ako noon. Sabi ko sa sarili ko, ang tanga-tanga ko dahil hindi ko masabi ang pagmamahal ko sa’yo.” Ani Marco.

“Mahal mo ba ako?” tanong ni Luisa.

“Hindi lang kita mahal, mahal na mahal kita.” Sagot ni Marco.

            Natuwa naman si Aling Freda sa narinig kaya tinawag niya ang asawa nito upang Makita ang nangyayari.

“Mahal din kita Marco pero kailangan nating magsimula muli.” Ani Luisa kay Marco sabay niyakap niya siya.

“Sige, Hi! I’m Marco.” –Marco

“Hello! I’m Luisa.”- Luisa

            Isinantabi na nila pareho ang kani-kanilang problema at sila ay naghalikan. Nagging sila ng araw na iyon. Naging masaya naman ang mga kapatid ni Marco nang marinig ang balita at ganun din sina Lloyda at Norman. Labis din ang tuwa ng mga magulang ni Luisa dahil kampante na sila kay Marco at alam nilang hindi niya pababayaan ang kanilang anak at mamahalin niya ito habang-buhay.
Pagkalipas ng ilang taon.

            Nagpropose na si Marco kay Luisa sa pamamagitan ng panonuod ng live sa PBA. Kinuttsaba  nila ang management dahil kaibigan ito ng pamilya ni Marco. Sumagot naman ng “oo”si Luisa.

            Sila ay ikinasal pagkatapos ng 2 weeks after the proposal.


-THE END-
           
           




Wednesday, July 23, 2014

Episode 24: Can we Talk?

...sa pagpapatuloy ng istorya.

            Patuloy pa rin ang pag-iyak ni Luisa habang kinakausap siya ng kanyang ama. Tumabi din si Aling Freda kay Luisa at kinausap din ito. Sinabi niya na darating din ang lalaki sa buhay niya, kailangan niya lang maghintay. Darating din ang totoong prince Charming ng buhay niya ngunit kailangan niya munang mag-sakripisyo.

            Nagsalita din si Mang Ted “Alam mo anak, ang lalaking yun ay nasa tabi lang. Hindi ko alam kung nagtatago lang (parinig kay Marco).

            Samantala, sinabi ni Lloyda kay Marco na baka siya ang tinutukoy ng mga magulang ni Luisa. Agad namang namutla si Marco sa sinabi ni Lloyda kaya tumakbo ito papalayo. Hinabol naman ito ni Norman upang kausapin.

            “Tol, saan ka pupunta? Mas kailangan ka ni Luisa ngayon. Pagkakataon mo na para sabihin sa kanya ang iyong nararamdaman.” Ani Norman kay Marco.

            Hindi alam ang sasabihin ni Marco, nung una siya ay mapangkikitaan ng saya nang Makita niya si Luisa ngunit nang sabihin ng mga magulang ni Luisa na nasa tabi lang ang tamang lalaki sa kanya, siya ay nanlambot at namutla-inaatake nanaman siya ng pagka torpe.

            “Paano ka nakakasiguro na ako nga yun? Sabihin mo nga sa akin!” sumbat ni Marco kay Norman.

            “Ikaw ang bestfriend niya, mas naiintindihan niyo ang isa’t isa.” Sagot ni Norman. Lumapit naman si Lloyda at sumali sa usapan ng dalawa.

            “Isa kang duwag at torpe sa iyong nararamdaman. Mas beki ka pa nga sa akin eh!” sabat ni Lloyda kay Marco.

            “Wala kanga lam! Huwag kang sumali dito!” sagot ni Marco.

            “Wala akong alam at lalong wala akong karapatang husgahan kayong dalawa ni Luisa ngunit ito na ang panahon upang sabihin mo ang tunay na nararamdaman mo sa kanya.” Malungkot na sagot ni Lloyda.

            Tumakbo at umalis si Marco nang gabing iyon. Binalikan naman nila Norman at Lloyda si Luisa.

Pagdating nila sa bahay nila ng kaibigan ay tinanong sila ni Aling Freda “Nasan siya (Marco)?”

“Umalis po te.” Sagot ni Lloyda.

“Duwag” ani Aling Freda at tumalikod.

Nang gabing iyon ay nagpaalam na din ang dalawa-sina Lloyda at Norman dahil kumalma na si Luisa. Sinabihan din nila na mag off muna si Luisa sa trabaho bukas para ayusin ang mga bagay-bagay at personal na problema niya.

Kinabukasan, maagang nagising si Luisa upang magluto. Ipinaghanda niya ng makakain ang mga kapatid bago pumasok. Sa paghahanda niya ng pagkain ay kinausap siya ng kanyang ina.

“Ayos ka lang ba anak?” tanong ng ina.

“Opo nay.” Sagot naman ni Luisa sa ina.

Hinayaan na lang niya ang kanyang anak sa kanyang mga ginagawa.

Masaya naman silang kumain ng agahan. Pagkatapos kumain ay nagpahinga si Luisa dahil maglilinis naman siya ng bahay. Binaling niya na lang ang kanyang stress sa pag-ibig sa pamamagitan na lang ng paglilinis ng kanilang bahay.

Pagkatapos niyang maglinis sa loob ng bahay ay gusto niya ding subukang maglinis sa tapat ng kanilang bagay nang Makita niya ang hindi niya inaasahan, si Marco.

Naglakas loob si Marco na harapin at kausapin na si Luisa tungkol sa kanyang nararamdaman.
“Luisa, pwede ba tayong mag-usap?”

…itutuloy.
           
           




Sunday, July 20, 2014

Episode 23: Tuliro

...sa pagpapatuloy ng istorya.

            Masayang nakita ni Marco si Luisa. Hindi maipaliwanag ang kanyang ngiti sa kanyang mukha ngunit naalala niyang nakagawa siya ng masama sa kanya dahil hindi siya nakapag-paalam ng kanyang pagreresign. Naturingan pa man ding magbestfriend ang dalawa ngunit nilihim ni Marco ang kanyang pag-alis sa trabaho. May halong inis at tuwa naman ang mapapansin kay Luisa nang Makita niya si Marco.

            “Nakakainis ka! Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Luisa kay Marco.

            “Nandito ako para kausapin ka at humingi ng tawad sa paglihim ko sa’yo sa aking pag-alis sa trabaho natin.” Sagot ni Marco.

            “She is in a bad shape and I think Marco this is a bad timing for you to say that.” Sabat naman ni Lloyda dahil inuwi nila si Luisa dahil sa nakita niya ang kanyang manliligaw na sana ay sasagutin na niya ngunit sa kasamaang palad ay may GF na pala. May kunti ding tampo si Luisa kay Marco dahil nga sa pag-alis niya sa trabaho nang hindi nagpaalam sa kanya.

            Hinayaan muna ni Marco sila Luisa at Lloyda, pumasok sila sa bahay at biglang umupo si Luisa sabay iyak dahil sa nakita niya kanina sa bar. Nakatayo lang naman sa pintuan si Marco habang pinagmamasdan niya si Luisa na umiiyak. Lumabas naman si Norman upang kausapin si Marco.

            “Grabe talaga tol, ganyang ba talaga ang pag-ibig? Kailangan mong umiyak?” tanong ni Norman.

            “Ewan, siguro, baka…hindi ko pa naman kasi nasubukan eh!” sagot naman ni Marco. Napatingin naman sa kanya si Norman sa kanyang sinabi.

            “Bakit hindi mo pa kasi tuluyang ligawan si Luisa nang hindi na siya umiyak. Tutal, mag-bestfriends naman kau, kilala niyo na ang isa’t isa.” Sabi ni Norman at hindi naman maka-imik si Marco at sadyang napipi nanaman sa pagiging torpe niya.

            Lumabas ang mga magulang ni Luisa nang makarinig sila ng ingay.

Nagsalita si Mang Ted “Ano nanaman ito anak? Ano nanaman ang nangyai sa’yo?”

Sumagot naman si Luisa “Si Ralph tay. Akala ko siya na talaga, hindi pala.” Sabay iyak.

Tumabi si Mang Ted kay Luisa at lumabas naman si Lloyda. Nag-usap silang dalawang mag-ama.

Sinabi niya sa anak “Alam mo anak, ang pag-ibig ay parang pag-aaral ng bisikleta, kelangan mong matumba bago ka matutong gumamit nito. Ang pag-ibig naman, kailangan mong masaktan para tumibay ‘yan (sabay turo sa puso ni Luisa) at kapag matibay na yan at marunong na, makakapag bisikleta ka na ng maayos.”

“Para kasing hindi kakayanin nito tay (sabay turo sa kanyang puso), mahinang pumadyak kasi ito ng bisikleta.” Tugon naman ni Luisa sa sinabi ng kanyang ama.

“Anak, kung mahinang kang pumadyak, kumuha ka ng magtuturo sa’yo. Yung magaling ha! Hehehe.” Biro ni Mang Ted sa anak sabay tingin kay Marco. Namula naman si Marco sa mga sinabi ni Mang Ted. Botong-boto kasi ang mga magulang ni Luisa kay Marco dahil sa taglay nitong katangian-mabait, marespeto, magalang, simple at may itsura. Matagal na din itong napansin ni Aling Freda na may gusto ito sa kanilang anak ngunit hindi masabi-sabi nito ang kanyang nararamdaman dahil nga sa torpe itong si Marco.

Hindi naman alam ni Marco ang kanyang gagawin nang simula na nila itong paringgan na kailangan niyang magtapat ng pag-ibig kay Luisa. Nagiging tuliro na ito (sabay daan ng jeep at may tugtog na Tuliro sa awitin ng bandang Spongecola).

…itutuloy.
           
           
           
             




Wednesday, July 16, 2014

Episode 22: Goodbye and Hello

...sa pagpapatuloy ng istorya.

            Nagsimula nang magtrabaho si Marco sa company ng pamilya nila. Sa kanyang pagtratrabaho, bigla niyang naisip si Luisa. Tinatanong niya sa kanyang sarili kung okay lang ba yung ginawa niya na hindi pagpaalam sa kanya. Napansin naman ng kuya niyang si Adrian na tulala si Marco sa kanyang trabaho kaya niyaya niya itong lumabas muna sa kanilang opisina upang magpalamig. Pumunta sila sa pinakamalapit na kainan.

            Sinabihan siya ni Adrian “Alam tol, parang napansin kung malalim ang iniisip mo. Kung ako sa’yo, ilabas mo yan kung ano man yan.”

            “Wala to kuya.” Sagot naman ni Marco sa kanyang kuya.

            “Sige, ikaw ang bahala. Teka! Sino ba yan? Babae?” tanong ulit ni Adrian na may halong pagtukso sa kanyang kapatid.

            “Uhm… bestfriend ko lang naman siya dati eh! Pero… may gusto ako sa kanya.” Tugon ni Marco.

            “Well, kung sa mag-bestfriends na opposite sex, isa sa kanila ay may gusto… at ikaw yun tol.”  Sagot naman ni Adrian sa sinabi ni Marco sabay abot ng softdrinks.

            Sinabi din ni Marco sa kuya na may kasalanan siya sa bestfriend niya dahil hindi siya nakapagpaalam noong nag resign siya sa dating trabaho. Na miss niya rin ang kaniyang trabaho pati ang mga kasama niya doon sa resto at lalong lalo na si Luisa.

            “May solusyon ako diyan! Bibigyan kita ng isang linggo para ayusin yan. Sana nga bro maayos mo na yan. Huwag ka na rin munang pumasok bukas.” Sabi ni Adrian sa kapatid na may kasamang kindat at paturo sa kanya.

            Natuwa naman si Marco sa sinabi ng kanyang kuya. Sa tuwa niya ay nayakap niya ito. Sabay sabi ng “You are the best talaga kuya! Don’t worry, I will do my best para ayusin ito!”
            Samantala, hinatid ni Ralph si Luisa sa kanilang bahay. Niyaya pa ni Luisa si Ralph na pumasok sa bahay nila ngunit nagpaalam na ito dahil magduduty pa ito sa bar na kung saan siya nagtratrabaho. Pumasok naman na si Luisa sa bahay nila na may kasamang saya at ngit    Pumasok at nagduty na sa bar si Ralph. Pagpasok ay kanyang hinalikan ang kanyang GF sa loob ng 5 segundo. Hindi napansin ni Ralph na nasa bar pala sila Lloyda at Norman. Nagulat sila sa kanilang nakita at agad na tinawagan ni Lloyda si Ralph.

            Tainanong niya si Luisa “Sis, I have a bad news for you! Magkasama lang kayo kanina ni Ralph at pumasok na siya dito sa bar. May hinalikan siyang babae dito at mukhang sweet na sweet sila. Come over, you need to see this.”

            Sumagot si Luisa “Hah! Huwag naman sanang maulit ito. Sige pupunta ako diyan.” Agad nagbihis si Luisa at pumunta sa bar. Nagulat siya sa kanyang nakita. Nakita niya si Ralph na may kahalikang babae na pinaniniwalaang gf niya. Matagal niyang pinapanuod ang dalawa nang mapansin ni Ralph si Luisa. Nilapitan naman nila Lloyda at Norman si Luisa. Lalapitan sana ni Ralph si Luisa nang umalis na itong umiiyak sa nakita. Pinapakalma naman siya ni Luisa at humihingi ng tawad dahil ibinalita pa niya ito sa kanya. Imbes naman na magalit si Luisa ay nagpasalamat ito sa kanya kahit na may kirot sa damdamin niya.

            Hinatid na nila Lloyda at Norman si Luisa sa kanilang bahay at sa hindi nila inaasahan, nandun si Marco.

…itutuloy.
           
           
           
           
             




Tuesday, July 15, 2014

Episode 21: Second Date

...sa pagpapatuloy ng istorya.
           
            Bumaba si Ralph sa kanyang motor at lumapit siya kay Luisa upang alalayan ito papunta sa kanyang motor upang sumakay. Sa una ay ayaw pa ni Luisa sa kadahilanang nag-aalala siya kay Marco dahil hindi ito pumasok sa trabaho.

            Pagkasakay sa motor ay tinanong siya ni Ralph “okay ka lang ba? Parang wala ka sa sarili?”

            Sumagot naman si Luisa “Ah, eh okay lang naman ako. Saan ba tayo pupunta?”

            “Relax ka lang diyan.” Tugon ni Ralph kay Luisa.

            Kalalabas din nila Norman at Lloyda at nakita nila ang dalawa. Kinawayan ni Norman si Luisa at kinindatan na sa wari ay may maganda mangyayari sa kanila ni Ralph. Nagpaalam na nga si Luisa sa dalawa sabay sabi ng “Kita kits na lang bukas!!!”

            Pina-andar na ni Ralph ang motor at humarurot ito. Nabigla at natakot si Luisa sa mabilis na pagtakbo ng motor ni Ralph kaya humawak ito ng mahigpit sa kanya. Kilig na kilig naman si Ralph sa ginawa ni Luisa kaya patuloy parin ang pagpatakbo niya ng mabilis sa kanyang motor.

            Dahan-dahan na ang pagpatakbo ni Ralph sa kanyang motor dahil malapit na sila sa kanilang pupuntahan. Bumitaw na rin si Luisa sa mahigpit na pagkakahawak niya kay Ralph. Pagkadating sa pupuntahan, pinakita ni Ralph ang isang magandang park na may magandang fountain na umiilaw. Natulala si Luisa sa kanyang nakita at panandaliang nakalimutan niya ang kanyang problema.

            Tinanong siya si Ralph “Nagustuhan mo ba?” kahit naman pala medyo badboy ang looks ni Ralph eh may natitirang pagkalambing at pagkasimple sa kanya.

            “Hindi ko alam na may ganitong lugar pala dito.” Sagot ni Luisa na nakatulala pa rin sa fountain.

            Hinawakan na ni Ralph ang kamay ni Luisa at hinila ito para lumapit ng kaunti sa fountain. Hindi pa rin mawala ang pagkamangha ni Luisa sa kanyang nakikita.

            “Ito oh! Humiling ka, sakaling matutupad ito.” Inabot ni Ralph ang isang barya kay Luisa para ihagis ito sa fountain at humiling.

            “Ha?! Sige, salamat.” Kinuha ni Luisa ang barya at hinagis niya ito papunta sa fountain at humiling. Pagkatapos ay umalis na sila.

            Dinala ni Ralph si Luisa sa isang kainan sa may tabi ng kalsada. Isa itong mamihan na may ispesyal na lasang binabalik-balikan at napakadaming sahog. Pagdating nila doon ay agad silang umupo at umorder ng dalawang mami. Tinitignan ni Ralph si Luisa at ngumiti ito. Agad namang humanga si Luisa sa kanya dahil sa pagiging simple niya hindi tulad nung dati niyang naka-date na si Edward. Alam niyang masamang ikumpara sila ngunit para kay Luisa, nakatuon na lang ang kanyang attensiyon sa kasalukuyan. Mayat maya dumating na ang inorder ng dalawa.

            Bago sila kumain ay nagsalita si Ralph “Alam mo ban a mas masarap kainin ang mami kung lalagyan ito ng bawang at kalamansi?” sabay piga ng kanyang kalamansi. Ginaya naman ito ni Luisa. Ilang minute din silang kumakain, pagkatapos ay naglakad sila sa gilid ng park upang kumain ng ihaw-ihaw.

            “Hindi ko alam kung anong sasabihin ko..uhm.. totoo ba to? Isa kang bartender sa isang sikat na bar ng Makati, may kotse, may mamahaling motor, tapos kakain lang tayo ng street food.” Sabi ni Luisa kay Ralph.

            “Ayaw mo ba ‘to? Mas Masaya kasi kung simple lang, hindi naman kailangang kumain ka sa isang mamahaling resto eh. Mas memorable kaya ito.” Sagot naman ni Ralph. Napangiti na lang si Luisa at ipinagpatuloy nila ang pagkain ng ihaw-ihaw.

            Pagkatapos ng ilang minute ay lumalim na ang usapan nilang dalawa. Umupo sila sa park at nilapitan ni Ralph si Luisa. Hinawak niya ang kanyang mukha, hinawi ang buhok at tinitigan si Luisa na animoy nakakalusaw na titig.

            Tinanong siya ni Ralph “Pwede kayang maging tayo?”

            “Ha! Agad-agad? Hindi ba pwedeng friends muna tayo?” sagot naman ni Luisa.

            Makikitaan si Ralph ng pagkadismaya kaya siya ay napatingin sa malayo at huminga ng malalim. Kaya sinabihan niya si Luisa na umuwi na sila dahil baka hinahanap na siya ng kanyang ama. Kaya sumakay si Luisa sa motor ni Ralph para ihatid na siya sa kanilang bahay.

…itutuloy.

           
           
             




Friday, July 11, 2014

Episode 20: Where are You, Marco?

...sa pagpapatuloy ng istorya.
           
            Maagang pumasok sa trabaho si Luisa at siya ay nagtaka dahil walang Marco siyang naabutan na trabaho na kung saan lagi itong maagang pumapasok.

Tinanong ni Luisa si mang Roman ang guwardiya ng restaurant “Manong nakita niyo po ba si Marco na pumasok?”

Sumagot naman si mang Roman “Hindi po maam, kadalasan naman kapag pumapasok siya tumatambay pa dito sa harap eh!” nang marinig ni Luisa ang sinabi ng guwardiya siya ay agad lumapit kay Lloyda.

Tinanong niya si Lloyda “Madam, may sakit ba si Marco? Wala pa kasi siya eh! Maaga naman siya palaging pumapasok.”

Sumagot si Lloyda “Hindi ba sinabi sa’yo na nag-resign na siya? Kahapon nagpadala siya ng letter of resignation.” Papaalis na sana si Luisa ng sinabihan ulit siya ni Lloyda “Wait, magnaghahanap pala sa’yong customer doon…si bartender.” Pinuntahan naman ni Luisa si Ralph.

Maagang pumunta si Ralph sa restaurant upang magkape at hinanap si Luisa. Nilapitan siya ni Luisa upang kausapin “Hoy! Bakit anong ginagawa mo dito?”

Sumagot naman si Ralph “Kaw naman! Gusto lang naman kitang bisitahin eh!” sabay higop ng kape. Namula si Luisa nang sabihan siya ng ganun ni Ralph. Dahil sa may trabaho pa si Luisa, sinabihan niya si Ralph na bumalik na lang siya mamaya hanggang sa matapos ang duty niya kasi baka pagalitan siya ni Lloyda.

Umalis naman si Ralph sabay sabi ng “Balikan kita mamaya. Pagbalik ko, dapat hindi ka na tatanggi, okay?” sabay kindat ulit kay Luisa. Halos naman malusaw si Luisa kay Ralph dahil sa kindat na yun.

Habang nagtratrabaho si Luisa ay lumapit si Lloyda sa kanya. Kinausap niya ito “Haba ng hair mo neng, biro mo lahat na ata ng guwapong lalaki dito sa mundo nilalapitan ka.” Hindi naman alam ni Luisa ang isasagot niya kay Lloyda dahil hindi niya alam kung ano ang ibig niyang sabihin. Ngumiti lang si Luisa habang patuloy niyang gingawa ang kanyang trabaho. Lumapit naman si Norman kay Luisa at inaasar niya ito dahil sa pagkalasing nila nung nag unwind sila sa isang bar.

“Hoy Luisa, musta kayo nong bartender? Niligawan ka na ba niya?” tanong ni Norman kay Luisa.

“Tumahimik ka nga diyan! Wala yun, siguro baka friends lang ganun pero ang guwapo niya.” Sagot naman niya kay Norman.

“Bakit naka move-on ka nab a kay Fil-Am?” tanong ni Norman.

“Ha! Ha! Ha! Subok subok lang yun. Kumbaga parang puppy love lang, pero sayang talaga yun kasi napaka-perfect n asana ni Edward eh! Siguro hindi siya para sa akin.” Paghihinayang sagot naman ni Luisa.

Napahinto ang usapan ng dalawa ng lumapit si Lloyda “Wala na ba kayong trabaho? Back to work!” utos ni Lloyda sa dalawa.

Pagdating ng break nila ay tinawagan agad ni Luisa si Marco ngunit walang sumasagot. Lumapit siya kay Norman upang tanungin tungkol kay Marco. “Norman, may balita ka ba kay Marco?”

Sumagot naman si Norman “Diba nag resign na siya? Yun lang ang alam ko, sorry.”

Pagkatapos ng duty niya ay naka-abang na si Ralph sa harap dala ang kanyang motor.

…itutuloy.





Tuesday, July 8, 2014

Episode 19: Reconciliation of 3 Brothers

...sa pagpapatuloy ng istorya.
            Umalis na nga si Ralph sa bahay nila Luisa. Itinuloy ulit niya ang paglilinis ng kanilang bahay.

Sa kabilang dako naman, naunang nagpaalam si Marco kila Luisa kayat pumunta siya sa kanyang kapatid na si Adrian para kausapin ito.

Sinalubong siya ng katulong “Good morning sir!” bati niya.”

Sumagot naman si Marco “Good morning! Nandiyan ba si kuya Adrian?”

“Nandito po sir. Pasok po kayo!” tugon ng katulong. Sa pagpasok niya sa bahay ng kuya ay nadatnan niyang nagkakape kaharap ang laptop sa sala ang kuya niyang si Adrian.

Noong una ay nahihiya pa itong kausapin at harapin ngunit naglakas loob siya ngayong kausapin ang kanyang kuya, “Good morning sir Adrian!” aniya.

“Hahaha! Napakapormal mo ngayon ha! Anong masamang hangin ang nagdala sa’yo dito?” tugon ni Adrian.

“Kuya naman, nandito ako ngayon para humingi ng tawad sa’yo at kausapin ka sa mga bagay-bagay.” Ani Marco.

“Hmmp. Kumain ka na ba? Gusto mo bang magkape?” tanong ni Adrian.

“Hindi na kuya. Salamat.” Sagot ni Marco. Kayat niyaya ni Adrian si Marco sa veranda para mag-usap. Pagdating pa lang doon ay biglang napaluha si Marco at humingi na ng tawad sa kanyang kuya at niyakap niya ito ng mahigpit. Nagulat si Adrian sa ginawa ni Marco at niyakap niya rin ang kapatid.

Nawala ang galit ni Adrian kay Marco kaya sinabihan niya ito “Kung hindi mo na kaya, pwede ka namang bumalik at tumira dito. Binayaran ko na lahat ng utang mo kay Tita Karla. Malinis na lahat.” Tuloy ang pag-agos ng luha ni Marco dahil ang kanyang inaakalang kaaway na kapatid ay siya pang tumulong sa kanya.

 Dumating din si Timothy sa oras ding iyon dahil pinatext ni Adrian sa katulong na papuntahin nila si Timothy sa kanilang bahay. “Aba! Anong kaguluhang ito? Nice one Marco!” punong-puno ng siglang sabi ni Timothy.

            Patuloy pa rin silang nag-uusap at sa pag-uusap na iyon, sila na ay nagka-ayos. Inalok ni Adrian na parehas nila asikasuhin yung negosyo ng pamilya at pumayag naman ito.
            “Huwag kang mag-alala sa trabaho mo at ako na ang mag-aasikaso doon.” Sabi ni Adrian kay Marco.

            “Salamat kuya!” tugon ni Marco. Sabay napatigil at napatitig sa kawalan. Inisip niya si Luisa dahil iiwanan niya ito ng walang paalam.

…itutuloy.