Tuesday, June 3, 2014

Episode 16: Escapism

...sa pagpapatuloy ng istorya.

            Nilapitan ni Marco si Luisa sabay sabi “Luisa, uhm. Okay ka lang ba? Kung gusto mo kausapin ko sila Edward at yung kasama niyang babae.” Hindi naman umimik si Luisa. Patuloy pa rin ang pag-uusap nila Edward at ang kasama niyang babae. Mayat maya ay sumilip si Luisa sa kanila. Kinausap ulit siya ni Marco, “Bat di mo kaya kausapin si Edward para maliwanagan ka?” sumagot si Luisa “At ako pa talaga ang lalapit.” Hindi naman makasagot si Marco kaya umalis na lang siya at ipinagpatuloy ang pagtratrabaho niya. Pagkatapos ng ilang minute ay umalis na sila Edward at ang kasama niya. Hinabol ni Luisa si Edward ngunit hindi niya naabutan ito. Hindi naman maipaliwanag ang nararamdaman ni Luisa. Bumalik din siya sa pagtratrabaho. Nilapitan siya ni Lloyda at kinausap “Mga lalaki nga naman! Pare-pareho talaga sila. Kasama mo ngayon, tapos may kunting misunderstanding mamaya may kasama nang iba.” Naiiyak namang sumagot si Luisa “Lalo mo naman akong pinaiiyak madam.” Sumagot naman si Lloyda “Hay naku!!! Hindi siya kawalan sa buhay mo neng, si Edward ang nawalan. Kung ako sa’yo, tanggapin mo na lang ang masakit na katotohanan. Isa pa, balik na sa trabaho.” Bumalik at ipinagpatuloy ulit ni Luisa ang kanyang trabaho. Habang nagtratrabaho, tinitignan siya ni Marco at mayat-maya nilapitan siya ng isang katrabaho nila na si Norman at sabay sabi ng “May gusto ka talaga kay Luisa noh? Pagkakataon mo na, hiniwalayan na ata siya ni Fil-Am eh!!!” sumagot naman si Marco “Tumahimik ka nga dre, bestfriend ko si Luisa. Ano ka ba?” umalis si Norman ng tumatawa at nagbitiw pa ng salita “Diyan din nagsisimula yan!” nilapitan silang dalawa ni Lloyda “Masarap ang cheese ano? Cheese-mis (tsismis) bumalik nga kayo sa trabaho.

            Magtatanghali na nang bumalik ulit si Edward sa resto. Hinanap niya si Luisa para kausapin. Lumabas naman si Luisa at tinanong si Edward “Anong kailangan mo? Ang kapal mo din ano?” sumagot si Edward “Salamat sa time mo. Pero I just want to be clear na wala na tayo.” Nagalit at parang maiiyak na sumagot naman si Luisa “Ang kapal talaga ng balat mong hilaw na kano ka!!! Hindi mo man lang ako hinintay na magpaliwanag. Nagdala ka na agad ng bago mong babae at iniharap mo pa sa akin dito pa mismo sa work ko. Buti na lang hindi ako nagtagal sa’yo, baboy ka!!!” sabay sampal kay Edward. Umalis naman agad si Luisa pagkatapos niyang sampalin si Edward. Balak pa sanang habulin siya ni Edward nang harangin siya ni Marco “You… you…” hindi naman makapagsalita si Marco kaya si Lloyda na lang ang umeksena “Sir, hayaan niyo na lamang si Luisa, she need time para magmukmok. Wala kaming karapatan na husgahan ka kaya please sir, call it a day na po. Marami pa kaming customer sir.” Nagmakaawang sagot ni Lloyda kaya umalis na lang si Edward.

            Tapos na ang shift nila nang magyaya si Norman na mag-inuman sila para mahugasan ang mantsang nangyari sa trabaho nila. Agad namang pumayag si Lloyda kaya tinanong niya sila Marco at Luisa kung game ba sila “Okay ako diyan nice one Norman! Game ba kayo, Marco, Luisa?” sumagot naman si Marco “Hindi po..” sabay namang sumagot si Luisa “Game!” nagulat naman si Marco sa sagot ni Luisa na payag niyang mag-inuman sila kaya sumama na din ito.

            Pumunta ang apat sa isang bar na malapit sa trabaho nila at sa harap ng bar ay isa-isa silang hinanapan ng ID kung nasa wastong gulang na ba sila. Naglabasan naman sila ng ID at ipinakita sa guard. Pinapasok ng guwardiya ang apat sa bar. Sinalubong sila ng isang waiter at hinanapan sila ng mauupuan. Tinanong sila ng waiter kung ano gusto nila at sumagot naman si Norman ng “Bigyan mo kami ng apat na gin-tonic.” At nakuha na nga ng waiter ang order nila. Tulala naman si Luisa sa table nila kaya inaliw siya ni Lloyda “Hoy girl! Alam mo bang maraming lalaki dito na makikilala mo? Kailangan mong mag loosen up.” Dumating na ang order ng apat at agad nilang inubos ito. Nag-order pa sila ng isang round. Patuloy ang pag-inom nila. Habang umiinom si Luisa ay nasagi siya ng isang customer doon at natapon ang kanyang iniinom sa damit niya. Pumunta sa counter si Luisa para humingi ng tissue.Pagkalapit sa bar ay agad inabot ng bartender ang tissue kay Luisa. Nagtaka naman siya bakit agad siyang inabutan, iyon pala ay kanina pa siyang tinitignan ng bartender. Sinabihan siya ng “First time mo dito noh?” sumagot naman si Luisa “Palagi kami dito. Baka ikaw ang bago.” Aniya sa bartender. Agad naman itong nagpakilala kay Luisa “ By the way, I’m Ralph and you are..?” umalis naman si Luisa at bumalik na sa table nila. Tinanong siya ni Lloyda “Ate, sino yon?” sumagot naman si Luisa “Wala yon. Isang lalaki lang naman na makapal ang pagmumukha.” Sumagot ulit si Lloyda “Bakit may nakasulat na number sa tissue? Ehem!” Binalewala naman ito ni Luisa at ipinagpatuloy ang kanilang pag-iinom. Pauwi na ang apat at mukhang lasing na lasing si Luisa. Balak naman ihatid ni Marco si Luisa sa bahay nila nang lumabas din ang bartender na si Ralph. Sinabi niya sa apat “May sasakyan ako baka gusto niyo ihatid ko na lang kayo? Mukha kasing wala kayong sasakyan eh.” Agad namang pumayag si Lloyda. Sinabi naman ni Marco na una na nilang ihatid si Luisa kasi lasing na lasing na ito. Sumagot naman si Ralph “No problem! Ano, tara?” Sumakay ang apat sa kotse ni Ralph.

…itutuloy.


Monday, June 2, 2014

Episode 15: The Other Woman

...sa pagpapatuloy ng istorya.

            Umuwi na nga si Luisa ng maaga dahil hindi siya makapag trabaho ng maayos sa dami ng iniisip. Pagdating niya sa bahay nila ay nadatnan niya ang kanyang ama na nagbabasa ng diyaryo habang umiinom ng kape. Wala ang kanyang ina doon dahil umekstra itong naglabandera. Pagdating niya sa kanilang bahay ay nagmano ito. Sinabihan siya ng kanyang ama “Umupo ka muna anak at mag-usap tayo.” Umupo naman si Luisa. Sinabihan siya na pwede na siyang magkaboyfriend kasi nasa tamang edad naman na siya sa isang kondisyon, huwag na huwag niyang pababayaan ang kanyang mga kapatid sa pag-aaral nila. Kailangan niyang supportahan ang mga ito. Pumayag naman si Luisa sa kondisyon ng kanyang ama. Napawi ang lungkot niya ng marinig ang mga ito sa kanyang ama.

            Kinabukasan, maagang pumasok si Luisa para maabutan si Edward na kadalasan ay maagang pumupunta sa restaurant para magkape. Wala siyang makitang Edward sa resto kaya nilapitan niya si Lloyda at sabay sabi “Madam (Instead of sir kasi bading nga si Lloyda), hindi ba pumunta si Edward ngayon dito?” sumagot naman si Lloyda “Nakikita mo ba dito si Edward? Kung hindi, malamang wala nga dito.” Supladang sagot ni Lloyda. Tinawagan niya ito ngunit hindi sumasagot si Edward. Pinalipas ito ni Luisa. Dumating naman si Marco at lumapit kay Luisa at kinamusta niya ito. Sinabi niya kay Marco na okay na sila sa bahay. Ang tanging problema na lang niya ay hindi sinasagot ni Edward ang mga tawag niya. Sinabihan naman siya ni Marco na baka busy lang siya kasi nga businessman itong si Edward. Hindi mapakali si Luisa at mayat maya dumating na si Edward sa pwesto, may kasamang babae. Maputi ito at may ibang lahi. Nagulat naman si Luisa sa kanyang nakita. Napatingin naman sina Marco at Lloyda kay Luisa dahil nakita nila na may ibang kasamang babae si Edward. Nagsalita si Marco kay Lloyda “Boss, may ibang babaeng kasama si Edward, hindi kaya bago niyang gf?” sumagot naman si Lloyda “Ehem! Magtaka ka na kapag lalaki ang kasama ni Edward.” Sabay ngumiti ang dalawa. Balak naman lapitan ni Luisa si Edward para I confirm kung gf niya ba ito ngunit pinigilan siya ni Lloyda at sinabihan ng “Palipasin mo muna tapos tanungin mo siya. Kailangan mong I confront kung gf nya ba iyon.” Makikita ang sweetness nila Edward at ang kasama niyang babae. Nagsusubuan, nag-uusap na magkahawak kamay so confirm nga! Magsyota ang dalawa. Hindi naman alam ni Luisa kung anong gagawin niya kaya sinabihan siya ni Lloyda na doon muna siya sa quarters nila at magmukmok. Wala naman magawa si Marco kaya nilapitan niya sina Edward. Nang papalapit na siya ay bigla siyang hinarang ni Lloyda at sinabihan “Huwag kang mag iskandalo dito por favor!” at umatras si Marco, makikita ang pagka inis niya sa dalawa. Pinuntahan niya si Luisa.

…itutuloy.