Monday, June 2, 2014

Episode 15: The Other Woman

...sa pagpapatuloy ng istorya.

            Umuwi na nga si Luisa ng maaga dahil hindi siya makapag trabaho ng maayos sa dami ng iniisip. Pagdating niya sa bahay nila ay nadatnan niya ang kanyang ama na nagbabasa ng diyaryo habang umiinom ng kape. Wala ang kanyang ina doon dahil umekstra itong naglabandera. Pagdating niya sa kanilang bahay ay nagmano ito. Sinabihan siya ng kanyang ama “Umupo ka muna anak at mag-usap tayo.” Umupo naman si Luisa. Sinabihan siya na pwede na siyang magkaboyfriend kasi nasa tamang edad naman na siya sa isang kondisyon, huwag na huwag niyang pababayaan ang kanyang mga kapatid sa pag-aaral nila. Kailangan niyang supportahan ang mga ito. Pumayag naman si Luisa sa kondisyon ng kanyang ama. Napawi ang lungkot niya ng marinig ang mga ito sa kanyang ama.

            Kinabukasan, maagang pumasok si Luisa para maabutan si Edward na kadalasan ay maagang pumupunta sa restaurant para magkape. Wala siyang makitang Edward sa resto kaya nilapitan niya si Lloyda at sabay sabi “Madam (Instead of sir kasi bading nga si Lloyda), hindi ba pumunta si Edward ngayon dito?” sumagot naman si Lloyda “Nakikita mo ba dito si Edward? Kung hindi, malamang wala nga dito.” Supladang sagot ni Lloyda. Tinawagan niya ito ngunit hindi sumasagot si Edward. Pinalipas ito ni Luisa. Dumating naman si Marco at lumapit kay Luisa at kinamusta niya ito. Sinabi niya kay Marco na okay na sila sa bahay. Ang tanging problema na lang niya ay hindi sinasagot ni Edward ang mga tawag niya. Sinabihan naman siya ni Marco na baka busy lang siya kasi nga businessman itong si Edward. Hindi mapakali si Luisa at mayat maya dumating na si Edward sa pwesto, may kasamang babae. Maputi ito at may ibang lahi. Nagulat naman si Luisa sa kanyang nakita. Napatingin naman sina Marco at Lloyda kay Luisa dahil nakita nila na may ibang kasamang babae si Edward. Nagsalita si Marco kay Lloyda “Boss, may ibang babaeng kasama si Edward, hindi kaya bago niyang gf?” sumagot naman si Lloyda “Ehem! Magtaka ka na kapag lalaki ang kasama ni Edward.” Sabay ngumiti ang dalawa. Balak naman lapitan ni Luisa si Edward para I confirm kung gf niya ba ito ngunit pinigilan siya ni Lloyda at sinabihan ng “Palipasin mo muna tapos tanungin mo siya. Kailangan mong I confront kung gf nya ba iyon.” Makikita ang sweetness nila Edward at ang kasama niyang babae. Nagsusubuan, nag-uusap na magkahawak kamay so confirm nga! Magsyota ang dalawa. Hindi naman alam ni Luisa kung anong gagawin niya kaya sinabihan siya ni Lloyda na doon muna siya sa quarters nila at magmukmok. Wala naman magawa si Marco kaya nilapitan niya sina Edward. Nang papalapit na siya ay bigla siyang hinarang ni Lloyda at sinabihan “Huwag kang mag iskandalo dito por favor!” at umatras si Marco, makikita ang pagka inis niya sa dalawa. Pinuntahan niya si Luisa.

…itutuloy.


No comments:

Post a Comment