...sa pagpapatuloy ng istorya.
Nilapitan
ni Marco si Luisa sabay sabi “Luisa, uhm. Okay ka lang ba? Kung gusto mo
kausapin ko sila Edward at yung kasama niyang babae.” Hindi naman umimik si
Luisa. Patuloy pa rin ang pag-uusap nila Edward at ang kasama niyang babae.
Mayat maya ay sumilip si Luisa sa kanila. Kinausap ulit siya ni Marco, “Bat di
mo kaya kausapin si Edward para maliwanagan ka?” sumagot si Luisa “At ako pa
talaga ang lalapit.” Hindi naman makasagot si Marco kaya umalis na lang siya at
ipinagpatuloy ang pagtratrabaho niya. Pagkatapos ng ilang minute ay umalis na
sila Edward at ang kasama niya. Hinabol ni Luisa si Edward ngunit hindi niya
naabutan ito. Hindi naman maipaliwanag ang nararamdaman ni Luisa. Bumalik din
siya sa pagtratrabaho. Nilapitan siya ni Lloyda at kinausap “Mga lalaki nga
naman! Pare-pareho talaga sila. Kasama mo ngayon, tapos may kunting
misunderstanding mamaya may kasama nang iba.” Naiiyak namang sumagot si Luisa
“Lalo mo naman akong pinaiiyak madam.” Sumagot naman si Lloyda “Hay naku!!!
Hindi siya kawalan sa buhay mo neng, si Edward ang nawalan. Kung ako sa’yo,
tanggapin mo na lang ang masakit na katotohanan. Isa pa, balik na sa trabaho.”
Bumalik at ipinagpatuloy ulit ni Luisa ang kanyang trabaho. Habang
nagtratrabaho, tinitignan siya ni Marco at mayat-maya nilapitan siya ng isang
katrabaho nila na si Norman at sabay sabi ng “May gusto ka talaga kay Luisa
noh? Pagkakataon mo na, hiniwalayan na ata siya ni Fil-Am eh!!!” sumagot naman
si Marco “Tumahimik ka nga dre, bestfriend ko si Luisa. Ano ka ba?” umalis si
Norman ng tumatawa at nagbitiw pa ng salita “Diyan din nagsisimula yan!”
nilapitan silang dalawa ni Lloyda “Masarap ang cheese ano? Cheese-mis (tsismis)
bumalik nga kayo sa trabaho.
Magtatanghali
na nang bumalik ulit si Edward sa resto. Hinanap niya si Luisa para kausapin.
Lumabas naman si Luisa at tinanong si Edward “Anong kailangan mo? Ang kapal mo
din ano?” sumagot si Edward “Salamat sa time mo. Pero I just want to be clear
na wala na tayo.” Nagalit at parang maiiyak na sumagot naman si Luisa “Ang
kapal talaga ng balat mong hilaw na kano ka!!! Hindi mo man lang ako hinintay
na magpaliwanag. Nagdala ka na agad ng bago mong babae at iniharap mo pa sa
akin dito pa mismo sa work ko. Buti na lang hindi ako nagtagal sa’yo, baboy
ka!!!” sabay sampal kay Edward. Umalis naman agad si Luisa pagkatapos niyang
sampalin si Edward. Balak pa sanang habulin siya ni Edward nang harangin siya
ni Marco “You… you…” hindi naman makapagsalita si Marco kaya si Lloyda na lang
ang umeksena “Sir, hayaan niyo na lamang si Luisa, she need time para
magmukmok. Wala kaming karapatan na husgahan ka kaya please sir, call it a day
na po. Marami pa kaming customer sir.” Nagmakaawang sagot ni Lloyda kaya umalis
na lang si Edward.
Tapos
na ang shift nila nang magyaya si Norman na mag-inuman sila para mahugasan ang
mantsang nangyari sa trabaho nila. Agad namang pumayag si Lloyda kaya tinanong
niya sila Marco at Luisa kung game ba sila “Okay ako diyan nice one Norman!
Game ba kayo, Marco, Luisa?” sumagot naman si Marco “Hindi po..” sabay namang
sumagot si Luisa “Game!” nagulat naman si Marco sa sagot ni Luisa na payag
niyang mag-inuman sila kaya sumama na din ito.
Pumunta
ang apat sa isang bar na malapit sa trabaho nila at sa harap ng bar ay isa-isa
silang hinanapan ng ID kung nasa wastong gulang na ba sila. Naglabasan naman
sila ng ID at ipinakita sa guard. Pinapasok ng guwardiya ang apat sa bar.
Sinalubong sila ng isang waiter at hinanapan sila ng mauupuan. Tinanong sila ng
waiter kung ano gusto nila at sumagot naman si Norman ng “Bigyan mo kami ng
apat na gin-tonic.” At nakuha na nga ng waiter ang order nila. Tulala naman si
Luisa sa table nila kaya inaliw siya ni Lloyda “Hoy girl! Alam mo bang maraming
lalaki dito na makikilala mo? Kailangan mong mag loosen up.” Dumating na ang
order ng apat at agad nilang inubos ito. Nag-order pa sila ng isang round.
Patuloy ang pag-inom nila. Habang umiinom si Luisa ay nasagi siya ng isang
customer doon at natapon ang kanyang iniinom sa damit niya. Pumunta sa counter
si Luisa para humingi ng tissue.Pagkalapit sa bar ay agad inabot ng bartender
ang tissue kay Luisa. Nagtaka naman siya bakit agad siyang inabutan, iyon pala
ay kanina pa siyang tinitignan ng bartender. Sinabihan siya ng “First time mo
dito noh?” sumagot naman si Luisa “Palagi kami dito. Baka ikaw ang bago.” Aniya
sa bartender. Agad naman itong nagpakilala kay Luisa “ By the way, I’m Ralph
and you are..?” umalis naman si Luisa at bumalik na sa table nila. Tinanong
siya ni Lloyda “Ate, sino yon?” sumagot naman si Luisa “Wala yon. Isang lalaki
lang naman na makapal ang pagmumukha.” Sumagot ulit si Lloyda “Bakit may
nakasulat na number sa tissue? Ehem!” Binalewala naman ito ni Luisa at
ipinagpatuloy ang kanilang pag-iinom. Pauwi na ang apat at mukhang lasing na lasing
si Luisa. Balak naman ihatid ni Marco si Luisa sa bahay nila nang lumabas din
ang bartender na si Ralph. Sinabi niya sa apat “May sasakyan ako baka gusto
niyo ihatid ko na lang kayo? Mukha kasing wala kayong sasakyan eh.” Agad namang
pumayag si Lloyda. Sinabi naman ni Marco na una na nilang ihatid si Luisa kasi
lasing na lasing na ito. Sumagot naman si Ralph “No problem! Ano, tara?”
Sumakay ang apat sa kotse ni Ralph.
…itutuloy.
No comments:
Post a Comment