Friday, July 4, 2014

Episode 17: Father's Words

...sa pagpapatuloy ng istorya.

            Lasing ang apat lalong lalo na si Luisa kaya nagpahatid na sila kay Ralph-isang bartender kung saan sila nag inuman. Unang nagpahatid si Lloyda, sumunod naman si Norman. Habang nasa loob sila ay patuloy na nagsasalita si Luisa at paulit ulit na sinasabing siya na ay lasing at nahihilo. Nang oras nay un ay tatlo na lamang silang natitira sa kotse ni Ralph. Sumunod na ihatid ni Ralph ay si Luisa at doon na rin bumaba si Marco para samahan siya pauwi ng kanilang bahay. Tinanong ni Ralph kung saang resto sila nartratrabaho baka kung sakali ay makapasyal naman siya. Nang malaman niya ito, agad naman siyang umalis at binarurot ang kanyang kotse. Samantala, habang binubuhat ni Marco si Luisa ay nagsuka ito. Nagsuka siya sa harap ng kanilang bahay. Nakita naman ito ng kanyang ina na kanina pang naghihintay sa kanya. Sinabihan siya ni Aling Freda “Ako na ang bahala dito. Sige makakaalis ka na!” Nagpakilala naman si Marco sa kanya na siya ay kasama noon ni Luisa na maghanap ng trabaho at ngayon ay magkasamang nagtratrabaho sa isang restaurant sa Makati. Sinabi niya rin na siya ang bestfriend ni Luisa. Nagpaalam na din siya kay Aling Freda ngunit niyaya pa siya nitong pumasok sa kanilang bahay para magkape nang mawala ang kalasingan din nito. Hindi naman tinanggihan ito ni Marco kaya pumasok din siya sa kanilang bahay. Tulog na ang tatay ni Luisa nang oras na iyon. Tinanong siya ni Aling Freda kung ano ba talaga ang nangyari sa kanilang anak at nagkakaganon siya. Sinagot naman ni marco ang lahat ng nangyari hanggang sa magkayayaang mag-inuman. Tinanggap naman lahat ito ni Aling Freda sa isang kondisyon, huwag na huwag nila itong banggitin kay Mang Ted dahil siguradong magagalit ito. Pagkalipas ng ilang oras na usapan nila Marco at Aling Freda ay nagpaalam na din ito. Nagpasalamat naman si Aling Freda sa kanya dahil sa concern niyang makauwi si Luisa ng ligtas. Napuyat na sila pero okay lang kasi day-off naman nila eh.

            Kinabukasan, naabutang kumakain ang mag-anak ni Luisa. Nang siya ay papalapit sa hapag-kainan ay biglang nakaramdam ng pagsusuka kaya dumiretso siya sa kusina. Agad naman siyang sinundan ng kanyang nanay. Biglang nagduda ang kanyang ama at lalo pa itong nagduda ng nagsalita si Alfred-pangalawang anak nila Mang Ted at panganay na lalaki, “Baka buntis si ate? Ganyang yung napapanuod ko sa pelikula eh!” Bigla namang humarap ulit si Luisa at inamin ang totoo sa kanyang mag-anak. Sinabi niyang wala na sila ni Edward, nasaktan siya sa nangyari kaya sila ay nag-inuman baka sakaling makalimutan ang problema. Hindi nagalit si Mang Ted sa pag-amin ni Luisa sa halip ay pinayuhan niya ang kanyang panganay. Bago niya payuhan, pinaalis niya muna ang kanyang pamilya sa hapag-kainan para makapag-usap sila ng masinsinan. “Alam mo anak, hindi naman ako kontra sa gusto mo sa buhay mo. Dahil alam kong pinalaki ka naming ng iyong ina ng maayos at ako ay may tiwala sa’yong tatahakin mo ang tuwid na daan. Huwag mo lang kaming pababayaan. Sa kaso naman ng pag-ibig, huwag mong ibibigay ang isang daang porsyento mo sa iba, mag-laan ka naman para sa sarili mo. Nasa tamang edad ka naman na, ang gusto ko lang sa lalaki ay kaya kang ipaglaban.” Ani Mang Ted. Agad namang tumulo ang mga luha ni Luisa nang marinig ang mga salitang yun sa kanyang ama kaya niyakap niya ang kanyang ama ng mahigpit na mahigpit. Nagka-ayos na nga sila ng kanyang ama.

…itutuloy.


No comments:

Post a Comment