...sa pagpapatuloy ng istorya.
Maagang
namasyal si Marco sa bahay nila Luisa at nadatnan niyang busy si Luisa sa
paglilinis ng kanilang bahay. Matagal na nakatayo sa labas si marco at
tinititigan si Luisa habang naglilinis. Walang anu-ano’y napansin si Luisa na
parang may nakatitig sa kanya kaya tumingin siya sa labas at nakita niya si
Marco sa labas at nakatingin sa kanya nang nakangiti. Pinapasok siya ni Luisa
at inalok na mag-miryenda. Nagpasalamat naman si Luisa kay Marco dahil
sinamahan siyang umuwi sa gitna ng kanyang kalasingan. Sumagot naman si Marco
“Walang anuman Luisa, basta para sa’yo gagawin ko ang lahat. Joke!!! Siyempre
yung kaya ko lang naman.” Ngumiti naman si Luisa sa mga sinabi ni Marco. Mayat
maya ay pumagitna si Mang Ted habang nagbabasa ng diyaryo. “Ehem! Ehem!”
nagpaparamdam na ubo ni Mang Ted. Inalok naman ni Marco na uminom siya ng juice
na hinanda ni Luisa “Sir, baka gusto niyo po ng juice? May vitamin C po yan
pampalakas ng baga.” Sumagot naman si Mang Ted “Doktor ka ba?” sumagot ulit si
Marco “Uhm… Hindi po! Narinig ko po kasi kayo na umuubo eh!” agad namang
tinapik siya ni Luisa para tumahimik na at hindi lalong mainis ang kanyang ama.
Alam ng mga magulang ni Luisa na bestfriend niya si Marco ngunit may bahid pa
rin sila ng pagdududa dahil hindi normal sa kanila ang mag bestfriend na babae
at lalaki, ngunit kong si Aling Freda ang tatanungin, pabor siya kay Marco na
maging bestfriend or boyfriend ni Luisa dahil siya ay magalang, masipag,
maasikaso at higit sa lahat may itsura. Matagal na ang nagkwentuhan sina Marco
at Luisa at mayat maya ay may bumarorot na motor sa harapan ng bahay nila.
Lumabas ang dalawa at nakita nila si Ralph. Alam ni Ralph ang bahay nila Luisa
dahil hinatid niya ang mga ito noong sila ay nalasing at tapos na rin ang duty
nun ni Ralph sa bar kaya sila ay naihatid niya. Alam naman natin na si Ralph ay
isang bartender. Matipunong lalaki si Ralph ay mukhang badboy kung titignan.
May balbas ngunit walang bigote, naka jacket na leather at nakaputing panloob
na t-shirt at nakasuot ng pantalon na fit na fit samahan mo pa ng sapatos ni
Kobe Bryant na black. Pagbaba niya sa kanyang motor, tinaggal ang helmet at
nginitian si Luisa sabay kindat. Binati niya ito ng “Good Day!”. Lumabas naman
si Mang Ted upang tignan yung maingay na motor. Nakita rin ni Ralph ang tatay
ni Luisa kaya ang sabi niya “Good Day po Sir!” natunganga naman si Mang Ted sa
nakita niya ngunit siya ay napahanga dito dahil sa kanyang lakas ng loob at
paggalang kahit na badboy siya kung titignan. Tinawag naman ni Mang Ted ang
kanyang asawa “Nay, halika dito…BILIS!!!” agad namang lumapit si Aling Freda
upang tignan si Ralph sa labas at nilapitan siya nito at nagmano. Hangang hanga
ang mga magulang ni Luisa kay Ralph. Makikita naman ang pagkainis ni Marco dahil
sa nakikita niya. Pero wala siyang magawa dahil torpe naman siya kung tutuusin
at mahiyain pa. Pinapasok ni Luisa si Ralph at inalok na mag miryenda din. Sinabi
ni Ralph na siya ang naghatid kay Luisa gamit ang kanyang oto noong malasing
sila sa bar na kung saan siya nagtratrabaho. Nagpasalamat naman ang mga
magulang ni Luisa sa kanya sa ginawa niyang paghatid. Nagmamadaling nagpaalam
naman si Marco sa kanila at nagdahilan na may gagawin pa pala siya. Sumagot
naman si Luisa “Sige, kita na lang tayo bukas sa work.” Sumagot din si Marco
“Okay, see you tomorrow!”
Patuloy
ang pag-uusap nila Ralph at mga magulang ni Luisa habang hindi naman siya
makaimik. Pagkatapos ng ilang minutong pag-uusap nila ay nagpaalam na rin siya
at niyaya si Luisa na kumain sa labas kung hindi siya busy. Sinabihan naman
siya ni Luisa na sa susunod na lang sila lumabas or dalawin na lang siya sa
kanyang trabaho tuwing break niya. Pumayag naman si Ralph “Okay! No worries! We
don’t need to rush things.” Sabay kindat at suot ng helmet, pinaandar ang
kanyang motor sabay barurot..”BROOOOM!”
…itutuloy.
No comments:
Post a Comment