...sa pagpapatuloy ng istorya.
Maagang
pumasok sa trabaho si Luisa at siya ay nagtaka dahil walang Marco siyang
naabutan na trabaho na kung saan lagi itong maagang pumapasok.
Tinanong ni
Luisa si mang Roman ang guwardiya ng restaurant “Manong nakita niyo po ba si
Marco na pumasok?”
Sumagot naman si
mang Roman “Hindi po maam, kadalasan naman kapag pumapasok siya tumatambay pa
dito sa harap eh!” nang marinig ni Luisa ang sinabi ng guwardiya siya ay agad
lumapit kay Lloyda.
Tinanong niya si
Lloyda “Madam, may sakit ba si Marco? Wala pa kasi siya eh! Maaga naman siya
palaging pumapasok.”
Sumagot si
Lloyda “Hindi ba sinabi sa’yo na nag-resign na siya? Kahapon nagpadala siya ng
letter of resignation.” Papaalis na sana si Luisa ng sinabihan ulit siya ni
Lloyda “Wait, magnaghahanap pala sa’yong customer doon…si bartender.”
Pinuntahan naman ni Luisa si Ralph.
Maagang pumunta
si Ralph sa restaurant upang magkape at hinanap si Luisa. Nilapitan siya ni
Luisa upang kausapin “Hoy! Bakit anong ginagawa mo dito?”
Sumagot naman si
Ralph “Kaw naman! Gusto lang naman kitang bisitahin eh!” sabay higop ng kape.
Namula si Luisa nang sabihan siya ng ganun ni Ralph. Dahil sa may trabaho pa si
Luisa, sinabihan niya si Ralph na bumalik na lang siya mamaya hanggang sa
matapos ang duty niya kasi baka pagalitan siya ni Lloyda.
Umalis naman si
Ralph sabay sabi ng “Balikan kita mamaya. Pagbalik ko, dapat hindi ka na
tatanggi, okay?” sabay kindat ulit kay Luisa. Halos naman malusaw si Luisa kay
Ralph dahil sa kindat na yun.
Habang nagtratrabaho
si Luisa ay lumapit si Lloyda sa kanya. Kinausap niya ito “Haba ng hair mo
neng, biro mo lahat na ata ng guwapong lalaki dito sa mundo nilalapitan ka.”
Hindi naman alam ni Luisa ang isasagot niya kay Lloyda dahil hindi niya alam
kung ano ang ibig niyang sabihin. Ngumiti lang si Luisa habang patuloy niyang
gingawa ang kanyang trabaho. Lumapit naman si Norman kay Luisa at inaasar niya
ito dahil sa pagkalasing nila nung nag unwind sila sa isang bar.
“Hoy Luisa,
musta kayo nong bartender? Niligawan ka na ba niya?” tanong ni Norman kay
Luisa.
“Tumahimik ka
nga diyan! Wala yun, siguro baka friends lang ganun pero ang guwapo niya.”
Sagot naman niya kay Norman.
“Bakit naka
move-on ka nab a kay Fil-Am?” tanong ni Norman.
“Ha! Ha! Ha!
Subok subok lang yun. Kumbaga parang puppy love lang, pero sayang talaga yun
kasi napaka-perfect n asana ni Edward eh! Siguro hindi siya para sa akin.”
Paghihinayang sagot naman ni Luisa.
Napahinto ang
usapan ng dalawa ng lumapit si Lloyda “Wala na ba kayong trabaho? Back to work!”
utos ni Lloyda sa dalawa.
Pagdating ng
break nila ay tinawagan agad ni Luisa si Marco ngunit walang sumasagot. Lumapit
siya kay Norman upang tanungin tungkol kay Marco. “Norman, may balita ka ba kay
Marco?”
Sumagot naman si
Norman “Diba nag resign na siya? Yun lang ang alam ko, sorry.”
Pagkatapos ng
duty niya ay naka-abang na si Ralph sa harap dala ang kanyang motor.
…itutuloy.
No comments:
Post a Comment