...sa pagpapatuloy ng istorya.
Bumaba
si Ralph sa kanyang motor at lumapit siya kay Luisa upang alalayan ito papunta
sa kanyang motor upang sumakay. Sa una ay ayaw pa ni Luisa sa kadahilanang
nag-aalala siya kay Marco dahil hindi ito pumasok sa trabaho.
Pagkasakay
sa motor ay tinanong siya ni Ralph “okay ka lang ba? Parang wala ka sa sarili?”
Sumagot
naman si Luisa “Ah, eh okay lang naman ako. Saan ba tayo pupunta?”
“Relax
ka lang diyan.” Tugon ni Ralph kay Luisa.
Kalalabas
din nila Norman at Lloyda at nakita nila ang dalawa. Kinawayan ni Norman si
Luisa at kinindatan na sa wari ay may maganda mangyayari sa kanila ni Ralph.
Nagpaalam na nga si Luisa sa dalawa sabay sabi ng “Kita kits na lang bukas!!!”
Pina-andar
na ni Ralph ang motor at humarurot ito. Nabigla at natakot si Luisa sa mabilis
na pagtakbo ng motor ni Ralph kaya humawak ito ng mahigpit sa kanya. Kilig na
kilig naman si Ralph sa ginawa ni Luisa kaya patuloy parin ang pagpatakbo niya
ng mabilis sa kanyang motor.
Dahan-dahan
na ang pagpatakbo ni Ralph sa kanyang motor dahil malapit na sila sa kanilang
pupuntahan. Bumitaw na rin si Luisa sa mahigpit na pagkakahawak niya kay Ralph.
Pagkadating sa pupuntahan, pinakita ni Ralph ang isang magandang park na may
magandang fountain na umiilaw. Natulala si Luisa sa kanyang nakita at
panandaliang nakalimutan niya ang kanyang problema.
Tinanong
siya si Ralph “Nagustuhan mo ba?” kahit naman pala medyo badboy ang looks ni
Ralph eh may natitirang pagkalambing at pagkasimple sa kanya.
“Hindi
ko alam na may ganitong lugar pala dito.” Sagot ni Luisa na nakatulala pa rin
sa fountain.
Hinawakan
na ni Ralph ang kamay ni Luisa at hinila ito para lumapit ng kaunti sa
fountain. Hindi pa rin mawala ang pagkamangha ni Luisa sa kanyang nakikita.
“Ito
oh! Humiling ka, sakaling matutupad ito.” Inabot ni Ralph ang isang barya kay
Luisa para ihagis ito sa fountain at humiling.
“Ha?!
Sige, salamat.” Kinuha ni Luisa ang barya at hinagis niya ito papunta sa
fountain at humiling. Pagkatapos ay umalis na sila.
Dinala
ni Ralph si Luisa sa isang kainan sa may tabi ng kalsada. Isa itong mamihan na
may ispesyal na lasang binabalik-balikan at napakadaming sahog. Pagdating nila
doon ay agad silang umupo at umorder ng dalawang mami. Tinitignan ni Ralph si
Luisa at ngumiti ito. Agad namang humanga si Luisa sa kanya dahil sa pagiging
simple niya hindi tulad nung dati niyang naka-date na si Edward. Alam niyang
masamang ikumpara sila ngunit para kay Luisa, nakatuon na lang ang kanyang
attensiyon sa kasalukuyan. Mayat maya dumating na ang inorder ng dalawa.
Bago
sila kumain ay nagsalita si Ralph “Alam mo ban a mas masarap kainin ang mami
kung lalagyan ito ng bawang at kalamansi?” sabay piga ng kanyang kalamansi.
Ginaya naman ito ni Luisa. Ilang minute din silang kumakain, pagkatapos ay
naglakad sila sa gilid ng park upang kumain ng ihaw-ihaw.
“Hindi
ko alam kung anong sasabihin ko..uhm.. totoo ba to? Isa kang bartender sa isang
sikat na bar ng Makati, may kotse, may mamahaling motor, tapos kakain lang tayo
ng street food.” Sabi ni Luisa kay Ralph.
“Ayaw
mo ba ‘to? Mas Masaya kasi kung simple lang, hindi naman kailangang kumain ka
sa isang mamahaling resto eh. Mas memorable kaya ito.” Sagot naman ni Ralph.
Napangiti na lang si Luisa at ipinagpatuloy nila ang pagkain ng ihaw-ihaw.
Pagkatapos
ng ilang minute ay lumalim na ang usapan nilang dalawa. Umupo sila sa park at
nilapitan ni Ralph si Luisa. Hinawak niya ang kanyang mukha, hinawi ang buhok
at tinitigan si Luisa na animoy nakakalusaw na titig.
Tinanong
siya ni Ralph “Pwede kayang maging tayo?”
“Ha!
Agad-agad? Hindi ba pwedeng friends muna tayo?” sagot naman ni Luisa.
Makikitaan
si Ralph ng pagkadismaya kaya siya ay napatingin sa malayo at huminga ng
malalim. Kaya sinabihan niya si Luisa na umuwi na sila dahil baka hinahanap na
siya ng kanyang ama. Kaya sumakay si Luisa sa motor ni Ralph para ihatid na
siya sa kanilang bahay.
…itutuloy.
No comments:
Post a Comment