...sa pagpapatuloy ng istorya.
Nagsimula
nang magtrabaho si Marco sa company ng pamilya nila. Sa kanyang pagtratrabaho,
bigla niyang naisip si Luisa. Tinatanong niya sa kanyang sarili kung okay lang
ba yung ginawa niya na hindi pagpaalam sa kanya. Napansin naman ng kuya niyang
si Adrian na tulala si Marco sa kanyang trabaho kaya niyaya niya itong lumabas
muna sa kanilang opisina upang magpalamig. Pumunta sila sa pinakamalapit na
kainan.
Sinabihan
siya ni Adrian “Alam tol, parang napansin kung malalim ang iniisip mo. Kung ako
sa’yo, ilabas mo yan kung ano man yan.”
“Wala
to kuya.” Sagot naman ni Marco sa kanyang kuya.
“Sige,
ikaw ang bahala. Teka! Sino ba yan? Babae?” tanong ulit ni Adrian na may halong
pagtukso sa kanyang kapatid.
“Uhm…
bestfriend ko lang naman siya dati eh! Pero… may gusto ako sa kanya.” Tugon ni
Marco.
“Well,
kung sa mag-bestfriends na opposite sex, isa sa kanila ay may gusto… at ikaw
yun tol.” Sagot naman ni Adrian sa
sinabi ni Marco sabay abot ng softdrinks.
Sinabi
din ni Marco sa kuya na may kasalanan siya sa bestfriend niya dahil hindi siya
nakapagpaalam noong nag resign siya sa dating trabaho. Na miss niya rin ang
kaniyang trabaho pati ang mga kasama niya doon sa resto at lalong lalo na si
Luisa.
“May
solusyon ako diyan! Bibigyan kita ng isang linggo para ayusin yan. Sana nga bro
maayos mo na yan. Huwag ka na rin munang pumasok bukas.” Sabi ni Adrian sa
kapatid na may kasamang kindat at paturo sa kanya.
Natuwa
naman si Marco sa sinabi ng kanyang kuya. Sa tuwa niya ay nayakap niya ito.
Sabay sabi ng “You are the best talaga kuya! Don’t worry, I will do my best
para ayusin ito!”
Samantala,
hinatid ni Ralph si Luisa sa kanilang bahay. Niyaya pa ni Luisa si Ralph na
pumasok sa bahay nila ngunit nagpaalam na ito dahil magduduty pa ito sa bar na
kung saan siya nagtratrabaho. Pumasok naman na si Luisa sa bahay nila na may
kasamang saya at ngit Pumasok at
nagduty na sa bar si Ralph. Pagpasok ay kanyang hinalikan ang kanyang GF sa loob
ng 5 segundo. Hindi napansin ni Ralph na nasa bar pala sila Lloyda at Norman.
Nagulat sila sa kanilang nakita at agad na tinawagan ni Lloyda si Ralph.
Tainanong
niya si Luisa “Sis, I have a bad news for you! Magkasama lang kayo kanina ni Ralph
at pumasok na siya dito sa bar. May hinalikan siyang babae dito at mukhang
sweet na sweet sila. Come over, you need to see this.”
Sumagot
si Luisa “Hah! Huwag naman sanang maulit ito. Sige pupunta ako diyan.” Agad nagbihis
si Luisa at pumunta sa bar. Nagulat siya sa kanyang nakita. Nakita niya si Ralph
na may kahalikang babae na pinaniniwalaang gf niya. Matagal niyang pinapanuod
ang dalawa nang mapansin ni Ralph si Luisa. Nilapitan naman nila Lloyda at
Norman si Luisa. Lalapitan sana ni Ralph si Luisa nang umalis na itong umiiyak
sa nakita. Pinapakalma naman siya ni Luisa at humihingi ng tawad dahil
ibinalita pa niya ito sa kanya. Imbes naman na magalit si Luisa ay nagpasalamat
ito sa kanya kahit na may kirot sa damdamin niya.
Hinatid
na nila Lloyda at Norman si Luisa sa kanilang bahay at sa hindi nila inaasahan,
nandun si Marco.
…itutuloy.
No comments:
Post a Comment