Thursday, May 29, 2014

Episode 14: Hard Day for Luisa

...sa pagpapatuloy ng istorya.

            Nakita nga ni Marco si Luisa na umiiyak. Tinanong niya kung anong nangyari. Sa una, ayaw magsalita ni Luisa ngunit kalaunan ay nagkuwento din ito. Sinabi niya kay Marco na hadlang ang kanyang mga magulang sa pag-iibigan nila ni Edward. Hindi sila sang-ayon dito. Sinabihan siya ni Marco na sabihin niya ang problemang ito kay Edward ngunit ayaw naman ipasabi ni Luisa ang kanyang problema. Mayat maya ay dumating na si Edward para sa regular na routine nito sa restaurant at batiin si Luisa. Tinanong siya ni Edward “Bakit anong nangyari sa’yo? What happen? Parang kagagaling mo lang umiyak.” Sumagot naman si Luisa “Wala…wala to.” Ayaw naman siyang tigilan ni Edward sa katatanong kung anong nangyari sa kanya kaya sinabi niya ang katotohanan na ayaw pa ng kanyang mga magulang ang magkaroon ng relasyon. Nagalit si Edward “So break na agad tayo?? Ganun ba??” hindi naman makasagot si Luisa. “Nasa tamang edad ka na Luisa, ang nagmamahal sa’yo iyoong puso mo at hindi ang mga magulang mo!” bitaw ni Edward kay Luisa at sumagot naman ito “Hindi mo kasi naiintindihan Edward.” Sumabat naman si Edward “Then ipaliwanag mo sakin. You know what, let’s just forget it.” Sabay alis si Edward sa resto. Hindi naman humabol si Luisa sa halip umiyak na lang ito. Siyempre Marco to the rescue. Sinabihan niya si Luisa na kakalma din si Edward at babalik siya para kausapin siya kapag malamig na ang ulo nito. Bigla namang lumapit si Lloyda at sinabihan ang dalawa “Aber!!! Telenobela ba itey?? Magtrabaho na nga kayo. Mamayang na yang love story niyo. Mga lintik na PBB teens!!!” bilis namang bumalik sa trabaho ang dalawa.

            Samantala, patuloy pa rin ang pag-aalala ng mga magulang ni Luisa. Sinabihan ng nanay ni Luisa ang kanyang asawa “Mamaya, kausapin mo ng mabuti ang iyong anak. Huwag na huwag kang magagalit ng basta basta, pakinggan mo muna siya.” Wala namang masagot si Mang Ted dahil alam niyang mali siya sa gabing iyon at ngayon ay nagsisisi. Hangad lang naman ni Mang Ted na huwag munang agarang makipag relasyon si Luisa dahil baka makalimutan niya ang kanyan responsibilidad sa kanyang mga kapatid at ngayon pa ay siya ang kanilang tinitingalang breadwinner.

            Balik tayo sa restaurant, hindi makapagtrabaho ng maayos si Luisa dahil sa kanyang dinadamdam kay Edward. Kinausap ni Marco si Luisa na kailangan niya munang magpahinga baka kung ano pa ang mangyari sa kanya sa trabaho. Tinawag ni Lloyda si Luisa “Halika ka nga ditto madam.” Lumapit naman si Luisa. Sinabihan siya ni Lloyda na umuwi muna siya dahil baka kung maka disgrasya siya sa trabaho. May tinatagong kabaitan naman talaga itong si Lloyda. Nilapitan ni Marco si Luisa at sabay sabi “ Maaayos mo din yang problema mo Luisa, bukas agahan mo ng pumasok ha. Mamimis kita.” Hindi makasagot si Luisa at nag feeling awkward sa mga sinabi ni Marco. Umuwi na nga ng maaga si Luisa.

…itutuloy.


No comments:

Post a Comment