Friday, May 2, 2014

Episode 2: Marco

     Sa kabilang dako ng istorya, kakatapos din ng interview ni Marco na kung saan ay hindi rin pinalad. Si Marco Rivera ay bunso sa tatlong magkakapatid. Gusto niyang patunayan sa kanyang mga kapatid na kaya niyang mamuhay ng mag-isa nang hindi umaasa sa kanila. Namatay ang parents dahil niya sa isang aksidente. Nag-crash ang eroplanong sinasakyan nila. Papunta sana sila sa Malaysia pero nangyari ang hindi inaasahan.

     Kalalabas nilang dalawa sa isang ina-applyang restaurant. Magkatalikod ang dalawa at noong sila ay magharap, sila ay nagbungguan. Nalaglag ang mga gamit ng dalawa at ang pupulutin, sila ay nagkauntugan. Sa halip na masaktan, silang dalawa pa ay nagkatitigan. Napatitig si Marco kay Luisa. Pinagmamasdan niya ang kanyang mga mata na animoy nangungusap, matangos na ilong, mala rosas na pisngi at pulang-pulang labi (ang OA naman ni Marco-mapula ang labi kasi nga naka-lipstick). Ganun din ang ginawa ni Luisa kay Marco. Pinagmasdan niya ang kanyang mga mata, animoy nakaluhod na pilik-mata, matangos din ang ilong, mabigote at mabalbas at kissable lips na parang hinog na hinog na kamatis. Nagkalapit ang kanilang mga mukha. Unang nagdikit ang kanilang noo, sumunod ang kanilang ilong at walang anu-ano ay mauudlot ito ng makarinig sila ng malakas na busina mula sa isang kotse na gustong pumarada. Nakaharang pala itong dalawa sa parking space. Lakas ng trip rin ng may-ari ng kotse ha, napaka kill joy. Well, ituloy natin iyong mala "A walk to remeber scene" ng dalawa. Inabot ni Marco ang mga gamit ni Luisa at niyaya niya itong kumain. Hindi naman mawala-wala ang pagtitig ni Luisa kay Marco. Patuloy niya itong sinisilayan. Sinabihan ulit siya ni Marco ng "Miss okay ka lang ba? By the way, I'm Marco and you are..?" hindi agad nakasagot si Luisa. Animoy lumulutang sa langit at nakakita ng isang arkanghel  na kumatawan kay Marco, pero ilang sanadali pa ay bumalik na siya sa realidad sabay sabi " Sorry hah! Ano na pala ang pangalan mo?" sumagot si Marco "I'm Marco, ikaw?" tumugon naman si Luisa "Ako si Luisa." Niyaya ulit siya ni Marco na kumain muna sa labas at sumagot si Luisa ng " Ngayon pa lang tayo nagkakilala yayayain mo na akong kumain, ano akala mo sakin malandi na sasama na lang sa isang stranger?" medyo pakipot na sinabi ni Luisa. Pero pumayag pa rin siya sa gusto ni Marco. Akala ko ba pakipot. Arte-arte ni Luisa hah..

....Itutuloy

   

No comments:

Post a Comment