Thursday, May 22, 2014

Episode 12: Call it a Night

...sa pagpapatuloy ng istorya.

            Sinagot na nga ni Luisa si Edward. Tuwang –tuwa naman ang dalawa at pinagpatuloy nilang kumain. Nagpalitan ng kuwento ang dalawa tungkol sa kanilang sarili. Si Edward ay isang Fil-Am na negosyante dito sa Pilipinas. Matagal na siyang nakatira dito kaya naghahanap siya ng makakasama at iyon ay sa kataohan ni Luisa. Pagkatapos nilang kumain ay hinatid na ni Edward si Luisa sa kanilang bahay.

            Samantala, sina Marco at Lloyda naman ay nasa isang park at nagkukuwentuhan. Hindi nila napansin na medyo lumalalim na ang gabi kaya naman naghiwalay na silang dalawa para umuwi. Tinitignan ni Marco ang kanyang cellphone at umaasang magtext si Luisa ngunit nang Makita niya ay wala ni isang text mula sa kanya. Inisip niya kung siya kaya ang magtext at kumustahin ang dalawa-Luisa at Edward pero hindi niya ipinagpatuloy ito. Umuwi na nga si Marco.

            Balik tayo kila Edward at Luisa, habang nasa daan sila papauwi ay nakita ni Luisa si Marco na naglalakad papauwi. Tatawagin niya sana ito ngunit animoy parang naging isang pipi si Luisa. Balak din sanang i-text ni Luisa si Marco ngunit naisip niya na kasama niya si Edward at naging sila na nga ng gabing iyon. Binalewala na lang ito ni Luisa. Habang nagmamaneho naman si Edward ay hinawakan niya ang kamay ni Luisa. Nung una ay ayaw magpahawak pa ni Luisa kasi baka kung ano ang gawin ni Edward sa kanya sa loob ng kanyang kotse. Pero naalala niya na sinabi dati ni Lloyda sa kanya na isang desenteng lalaki si Edward at hindi niya gagawin ang bagay na iyon kaya ipinagpatuloy na lang ni Luisa na maghawak kamay silang dalawa. Nakarating na nga sila sa bahay nila Luisa, bumaba si Edward para pagbuksan ng pinto si Luisa. Bumaba sa kotse si Luisa at tinanong si Edward “Hindi ka nab a papasok sa bahay? Ipapakilala kita sa parents ko.” Sumagot naman si Edward “Next time na lang babe, tumatawag ang isang client ko from US” agad naming pumayag si Luisa. Nagmamadali naming umalis si Edward. Nakaabang naman sila Aling Freda at Mang Ted sa bahay nila at sinisilip si Luisa at nakita nila si Edward. Pagpasok ni Luisa sa bahay ay tinanong agad siya ni Mang Ted “Saan ka galing at sino iyong kasama mo?” sumagot naman si Luisa “Magandang gabi po Nay, Tay. Si Edward po yun regular customer naming sa restaurant at kumain kami sa labas. Dahil delikado na po, hinatid na niya ako dito.” Sinabihan siya ng kanya tatay na kung delikado na palang umuwi ng mag-isa eh mas delikado pa na makisabay siya sa isang customer lang ng restaurant. Pero nabigla ang mag-asawa ng sabihin ni Luisa na boyfriend niya pala iyong lalaking naghatid sakanya.

…itutuloy.


No comments:

Post a Comment