Monday, May 12, 2014

Episode 9: Fil-Am

...sa pagpapatuloy ng istorya.

            Kinabukasan, maagang pumasok si Luisa. Nadatnan niya dun si Lloyda kausap ang isang lalake, siya regular customer ng restaurant. Pinagmamasdan niya ang dalawa habang nag-uusap. Humarap ang lalakeng kausap ni Lloyda. Na starstruck si Luisa sa lalake nang Makita niya ito. Ang macho at brusko ng lalake. Isa pala siyang Fil-Am na matagal nang nakatira ditto sa Pinas. Napakagat labi si Luisa at animoy nanlambot. Lalo pa siyang nanlambot nang lapitan siya ng lalake. Lumabas ang lalake pero makikita parin ang panglalambot ng katawan ni Luisa kayat nilapitan siya ni Lloyda at sabihan ng “Hoy Madam! Kung maka react ka akala mo ikaw ang girlfriend.!” sumagot si Luisa “Grabe naman kayo sir. Parang sumakit ata puson ko dun.” mayat maya ay dumating na din si Marco na nakasalubong ang Fil-Am. Binati niya si Luisa “Hi Luisa! Ang aga mo ah!”  sumagot naman si Luisa “Ang aga ko kasing nagising eh wala naman na akong gagawin kaya pumasok na lang ako.” aniya. Sumabat naman si Lloyda “Ahem! Ako ba hindi mo babatihin?” masungit na sumbat niya. “Hi sir, good morning!” bati naman ni marc okay Lloyda.

            Habang nasa trabaho, pinag-uusapan nila Luisa at Lloyda iyong customer na Fil-Am kanina. Tinanong ni Luisa kung bakit maaga siyang pumupunta sa restaurant, kung single pa ba siya or ano ang trabaho niya, ngunit isa lang ang sagot ni Lloyda “Magtrabaho ka muna neng!” Kayat patuloy ang trabaho nila. Bago mag alas-11 ng umaga ay dumating nanaman yung Fil-Am. Naghanap siya ng pwesto at nang makahanap ay tumawag ng waiter. Iyong oras na iyon, si Luisa lang ang free kaya nilapitan niya yung Fil-Am. Tinanong niya ito kung ano ang kailangan ng lalake. Nang Makita ng lalake si Luisa ay nahumaling din ito sa kanyang kagandahan kaya tinanong niya kung ano ang pangalan niya. Sumagot naman si Luisa “I’m Luisa sir!” wow haba ng hair ni Luisa. Nagpakilala din ung Fil-Am “I’m Edward. Please don’t call me sir, Edward na lang!” pa-slang na sagot niya. Halos himatayin nanaman si Luisa dahil nakausap na niya yung crush niyang Fil-Am. Tinanong ni Edward kung single pa si Luisa at sumagot naman si Luisa “Grabe ka naman sir, agad agad? Tatanungin mo kung single pa ako? Siyempre single pa ako ang NBSB.” Pakilig na sagot ni Luisa. Tinanong siya ni Edward “What is NBSB?” sumagot si Luisa”Uhm.. No Boyfriend Since Birth.” At napangiti si Edwars sa sagot ni Luisa. Kaya naman inalok niya si Luisa na sabayan siyang kumain pero hindi maaari kasi nasa duty pa siya. Hindi pinalagpas ni Edward yung pagkakataon kaya inarbor niya ang duty niya kay Lloyda. Pumayag naman si Lloyda ngunit may isang tutol sa nangyayaring ito-si Marco. Kaya palagi niyang kinukulit si lloyda kung bakit siya pumayag sa gusto ni Edward kaya sinagot siya ni Lloyda “Customer yun. Kung ano ang gusto niya basta nandito siya sa building na ito, pwede. Hindi kaya nagseselos ka!” tanong ni Lloyda kay Marco at agad naman siyang nagulantang sa tanong ni Lloyda kaya sumagot din siya ng “Hoy! Hindi ha. Kulang kasi tayo ng tao.” Namulang sagot ni Marco.

            Sa kabilang dako naman, ang sweet ng dalawang nag-uusap. Ilang minute pa lang close na silang dalawa. Niyaya ni Edward si Luisa na after work niya ay susunduin niya ito at kakain sila sa isang special na restaurant.  Sumagot si Luisa ng “Grabe ka naman. Kakakilala lang natin yayayain mo na ako agad sa labas.!??” Pero sa mensahe ni Luisa na iyon ay pumayag pa din siyang lumabas kasama si Edward.


…itutuloy.

No comments:

Post a Comment