Monday, May 26, 2014

Episode 13: Luisa's Problem

...sa pagpapatuloy ng istorya.

            Sa pag-uwi ni Luisa ay nadatnan niya ang kanyang mga magulang na naka abang sa bahay nila at tinanong kung sino ang lalaking kasama niya naghatid sa kanya sa bahay nila. Sinabi niya sa kanila na boyfriend niya nga iyong lalaking iyon. Nabigla sila Aling Freda at Mang Ted. Galit nag alit naman si Mang Ted at pinagsabihan si Luisa na masyado pang maaga para magka-boyfriend siya. Kailangan niya munang pag-aralin ang mga kapatid niya bago siya magkaroon ng relasyon. Pero sumagot siya na kaya niya namang pagsabayin ang kanyang relasyon at pag-aralin ang kanyang mga kapatid. Hindi nagustuhan ni Mang Ted ang sagot ni Luisa kaya siya ay pumasok na sa kuwarto nag alit nag alit. Wala namang magawa ni Aling Freda kaya sinabi niya kay Luisa na kailangan niyang sundin ang sinabi ng kanyang ama. Pagod na pagod naman si Luisa kaya sinabi niya sa kanyang ina na pag-usapan na lang nila ito sa ibang araw sabay pasok na din sa kanyang kuwarto. Umiiyak na pumasok si Luisa. Iniisip niyang marami na siyang nagawa para sa kanyang pamilya at kailangan niya rin mapasaya ang kanyang sarili. Kinausap naman ni Aling Freda ang kanyang asawa tungkol kay Luisa. Sinabi niya na hindi pababayaan ni Luisa ang kanyang mga kapatid kahit na may boyfriend na ito. Hindi naman pabor si mang Ted dito dahil inisip niya na baka ilayo lang ng lalaki si Luisa sa kanya kapag sila na ay mag-asawa. Ngunit sinabi ni Aling Freda na mangyayari ang ganon kaya dapat ihanda na niya ang kanyang sarili pero ayaw paring making ng kanyang asawa.

            Kinaumagahan, maagang umalis si Luisa at hindi na nga siya nag-agahan sa bahay nila. Malungkot namang kumakain ang mag-anak dahil wala si Luisa. Hinahanap siya ng kanyang mga kapatid habang sila ay kumakain kaya nagpalusot na lang ang kanilang ina na maagang pumasok si Luisa.

            Umiiyak namang pumasok si Luisa, habang naglalakad siya patungo sa pinagtratrabahuan ay nakita siya ni Marco. Nilapitan niya si Luisa at tinanong kung anong nangyari sa kanya “Okay ka lang ba? Anong nangyari? May ginawa ba sa iyong hindi maganda si Edward?” sumagot naman si Luisa “Ang OA naman nito. Okay lang ako.” Sabay pahid sa kanyang mga luha. Alam naman ni marco na hindi ayos si Luisa kaya hinawakan niya ang mga kamay nito at sinabing “Hindi ba mag bestfriends tayo? Okay lang na sabihin mo sa akin kung ano ang problema mo baka matulungan kita.” Agad namang ngumiti si Luisa.

…itutuloy.


No comments:

Post a Comment