...sa pagpapatuloy ng istorya.
Nagsimula na ngang magtrabaho ang dalawa. Tapos na ang pag observe at
hands on na. Ang daming customer sa araw na iyon. May customer na nagtatawag ng
waiter, sinabihan ni Lloyda si Luisa “Ayan na sis, may customer tayo sa table
8, puntahan mo at kunin ang kanyang order.” Sumagot si Luisa “Ngayon na ba sir?”
tumugon ulit si Lloyda “Hindi, bukas na lang kung sakaling nandiyan pa siya.
Siyempre ngayon na!” kaya naman lumapit agad si Luisa sa customer at kinuha ang
kanyang order. “I want a fillet mignon in java rice, crab and corn soup and
mango juice.” Sabi ng customer. Nakuha ni Luisa iyong order ng customer kaya
ibinigay niya ito sa kitchen. Mayat maya dumating na yung order ng table 8.
Ibinigay ni Luisa ang mga oder ng customer pagkatapos umalis na ito. Sabay
nilapitan naman ni Lloyda si Luisa “Ang guwapo niya neng! Iyan ang mga type ko.
Ma-sa-raaaap!” sabi ni Lloyda at sumagot naman si Luisa “May anggulo naman siya
kaya lang mukhang may pagka beki.” sumagot si Lloyda “ Paano mo nasabi yan?” sumagot
ulit si Luisa “Ayon oh! Ang mga daliri, naka angat tuwing susubo. Hindi mo ba
naamoy?” nadismayang sumagot si Lloyda “ Ay! Oo nga. Sayang pa naman siya ang
guwapo tapos pogay lang pala.” Sa kabila ng [ag-uusap ng dalawa, tinitignan
pala sila ni Marco at tela nagseselos ito kasi puro si Lloyda na lang ang
kasama ni Luisa at hindi si Marco. Habang naglilinis ng table ay may tumawag
kay Marco “Excuse me waiter!” aniya ng isang customer. Nilapitan ito ni Marco
at tinanong kung ano ang maitutulong niya “Yes Maam! Do you need anything?”
sumagot ang babae “You have a good service!” sabay abot ng tip kay Marco at
umalis. Ibubulsa sana ito ni Marco nang mahuli siya ni Lloyda “Ooops! Para sa
lahat ito at hindi sa’yo. By the end of the month, paghahatian natin tong mga
tip.” sabay sabi kay Marco. Nanghinayang siya at kahit sino naman ay
manghihinayang sa 500 pesos na tip. Sinabihan ulit siya ni Lloyda “Ano pa tinitignan-tignan
mo diyan? Back to work!” Patuloy ang pagtratrabaho ng dalawa hanggang sa
sumakit na ang paa nila sa kakatayo. Nagpaalam pa si Luisa na kunwari siya ay
mag si-CR pero nang makarating sa loob ay hinihipo ang paa at minamasahe dahil
sa sobrang sakit. Ganun din ang ginawa ni Marco. Pero naisip ng dalawa na sa
unang araw lang iyon at masasanay din sila. Dumating na nga ang out nila. Niyaya
ulit sila ni Lloyda na kumain sa labas at agad namang pumayag ang dalawa.
Parang robot na naglalakad ang dalawa dahil sa sakit sa paa nila. Sinabi naman
ni Lloyda na ok lang yun dahil unang araw pa lang nila at masasanay din sila.
…itutuloy
No comments:
Post a Comment