Saturday, May 17, 2014

Episode 11: Luisa and Edward

...sa pagpapatuloy ng istorya.

            Nakabinbin pa rin ang isang katanungan kay Luisa. Sinabihan siya ni Edward na gusto niya si Luisa ngunit wala pa rin siyang tugon. Kailangan niyang sumagot. Kapag si Luisa ay nagmahal, pinapairal niya ang kanyang puso kaysa sa kanyang isipan. Tinanong ulit siya ni Edward “Ano masasabi mo?” sumagot naman si Luisa “Gusto din kita Edward, kaya lang tatlong araw pa lang tayo magkakilala tapos..” agad namang sumabat si Edward “Tapos ano? Hindi pa ba mahalaga na tayo ay may gusto sa isa’t isa?” Hindi makasagot si Luisa. Ilang minute din nagkaroon ng katahimikan at walang kakibuan sa kanilang dalawa. Nag-isip si Luisa, ayaw niya kasing palampasin ang pagkakataon. Gustong gusto niya kasi si Edward at isa pa ay talagang kaguwapuhan naman siya kasi nga Fil-Am. Ano kaya ang isasagot ni Luisa? Mananatili na lang bang siyang tahimik?

            Samantala, sa kabilang dako naman ay nagkayayaan ang dalawang lumabas at mamasyal sa isang park na malapit sa restaurant na kanilang pinagtratrabahuan. Hindi maiwasang mag-alala si Marco kay Luisa kaya tinanong niya si Lloyda tungkol kay Edward “Mabuting tao kaya si Edward?” sumagot si Lloyda “Matagal ko nang kilala si Edward at regular na customer siya sa pwesto at palaging ako ang kanyang kausap tungkol sa mga bagay-bagay. Alam kong mabait siyang tao.” Medyo kumalma naman si Marco nang marinig niya ang mga salaysay ni Lloyda. Mayat maya ay nagsalita si Lloyda “Bakit ganun na lamang ang pag-aalala mo kay Luisa? Hindi naman kaya ay may gusto ka din sa kanya?” sumagot naman si Marco “Baliw! Bestfriend ko kaya si Luisa. Gusto ko kasi mapunta siya sa isang mabait at responsableng lalaki.” Kinilig naman si Lloyda sa mga sagot ni Marco pero alam niyang sa isang mag bestfriend, may isang palihim na nagmamahal at alam niyang si Marco iyon. May nakita silang nagbebenta ng fishball kayat bumili ang dalawa at sabay upo sa damuhan sa park. Patuloy na nag-uusap ang dalawa. Tinanong ulit ni Lloyda si Marco “Total, mag-bestfriends naman kayo ni Luisa, bakit hindi na lang ikaw kasi ang manligaw.?” Sumagot naman si Marco “Alam mo Lloyda, para kang bangag sa mga pinagsasabi mo! Diba sinabi ko na sayo na mag-bestfriends lang kami.” Patuloy pa rin ang panunukso ni Lloyda kay Marco kasi kahit na palihis ang mga sagot niya eh makikitaan siya ng pagkahiya sapagkat namumula ang kanyang mukha.

            Sa pagitan naman ng dalawa, sina Edward at Luisa. Dumating na ang kasagutan ni Luisa. Sinabi niya kay Edward “Edward, gusto din kita. Tignan na lang natin kung saan patungo an gating pagmamahalan.” Sumagot naman si Edward “Alright! I promise you I will do my best to love you.” Nagging sila na ngang dalawa sa gabing iyon. Ano kaya ang naghihintay sa kanilang dalawa sa kanilang pagmamahalan.

…itutuloy.


No comments:

Post a Comment