Sunday, May 4, 2014

Episode 4: HELP!

...sa pagpapatuloy ng istorya.

     Sa gitna ng init ng araw, patuloy ang paghahanap ng dalawa. Buti na lang may baong tubig si Marco. Boyscout talaga tong si Marco, laging handa. Kaya't paalala sa mga jobhunters, laging magbaon ng tubig para maiwasan ang heat stroke. Balik tayo sa kuwento, tumabi ang dalawa sa lilim upang magpahinga at uminom ng tubig. Walang anu-ano at may naririnig silang matandang lalaki-posturang postura, naka suot ng amerikana, may dalang briefcase at madaming alahas->aah! Mayaman... Iniipit sila ng dalawang lalaking naka suot ng itim at mukhang aagawin ng dalawang kalalakihan ang briefcase mula sa matanda. Ano ba naman kasi ang laman niyan?? Nagsisigaw ang matanda ng ''Tulong! Tulong!". Sinampal siya ng isang lalaki at sinabuhan ng "Tumahimik ka, kundi ay papatayin ka namin." aniya. Patay agad ha! Hindi ba pwedeng tutokan muna ng baril? Hahaha. Nakita ni Marco ang mga kalalakihan, nilapitan niya ito at sinita "Hoy!" sumagot naman ang isang lalaki "Huwag kang makialam kundi isusunod ka namin!" Agad umatras si Marco at nagmamadaling lumapit kay Luisa. Kung umasta tong si Marco akala mo astig eh, di naman pala. Tinawanan siya ni Luisa "Hahaha!" "Anong nakakatawa?" tugon ni Marco. maya't maya ay si Luisa naman ang sumita sa dalawa "Hoy! Mga kumag, kung di niyo siya (matanda) lalayuan, tatawag ako ng pulis! PULIS! PULIS! PU...." agad namang tinakpan ni Marco ang bibig ni Luisa at inilayo sabay kinausap ang mga mananampalang kalalakihan "Pasencya na kayo. Sige Ituloy niyo lang.". Maya't maya ay may lumapit nang pulis, agad namang tumakbo ang dalawang lalaking nakaitim. Buti na lang ay walang nakuhang mahahalagang bagay sa matanda. Lumapit ang pulis kay Luisa " Ano pong problema Maam?" aniya. Napatingin naman si Luisa sa pulis na kung saan ay may kamukhang artista. Sumagot si Luisa "Uhm Ehm Uhm" animoy hindi makalabas na salita mula sa bibig niya kasi nga napatitig siya sa pulis na artistahin ang itsura. Napalunok ng napalunok si Luisa. Si Marco na ang kumausap sa pulis at tinuro niya ang matandang mayaman na inipit at ginipit ng dalawang lalaking nakaitim. Agad namang umalis ang pulis at hinanap ang dalawang holdaper. Samantala, lumapit ang matanda sa dalawa at nagpasalamat “Thanks ha! Lalong lalo ka na miss ang tapang mo di tulad ng kasama mo, may KADUWAGAN!” agad namang sumabat si Marco,  “Alam niyo tang, kung di ko lang kasama tong friend ko, pinagsasapak ko na yung mga yun.” matapang na sagot naman ni Marco. “Iyon ba yung matapang, isang sita lang sa’yo tumahimik ka na agad!” tugon ng matanda kay Marco. Napansin ng matanda na naghahanap ang dalawa ng work so tinanong niya ang mga ito.
Matanda: Naghahanap pala kayo ng work. Anong hanap niyong trabaho?
Luisa: Service Crew po sir.
Matanda: Tamang-tama! May restaurant ako sa Makati, pumunta kayo bukas doon at i meet niyo ang secretary ko. Ibigay niyo lang ito sa kanya. (Sabay abot ng calling card.)
     Tuwang tuwa naman ang dalawa dahil alam nilang bukas eh may trabaho na sila.

...itutuloy


No comments:

Post a Comment