Saturday, May 3, 2014

Episode 3: Getting to Know You

..sa pagpapatuloy ng ating istorya.

     Nagkayayaan nga ang dalawang kumain sa labas sa isang fastfood restaurant. Patuloy na nag-uusap sina Luisa at Marco pero hindi pa rin mawala-wala ang pagtitig ni Marco sa kanya. Sa tuwing mahuhuli ni Luisa na tinitignan siya ni Marco ay magkukunwaring magsusubo ng pagkain si Marco. Nagkakilala ang dalawa at naging magkaibigan. Nagkuhanan ng cellphone number. Matagal silang nag-uusap hanggang sa umabot sa personal na usapan. Unang nagsabi ng tungkol sa sarili si Luisa. Sinabi niya na siya ang breadwinner ng kanyang pamilya sa kadahilanang hindi na makapag trabaho ang kanyang tatay at pa ekstra-ekstrang labandera naman ang kanyang nanay. Nag-aaral naman sa high school ang dalawa niyang kapatid at sa elementarya naman ang kanilang bunso. Kaya't sinabi niya na kailangan niyang makahanap ng trabaho para pangtustos sa kaniyang pamilya. Maganda si Luisa eh, buti na lang hindi siya kumapit sa patalim at ibenta ang katawan.Hahaha! Sa kabilang dako naman, nagsimula ding magkuwento si Marco tungkol sa sarili. Siya ang bunso sa kanilang magkakapatid. Ang kanilang panganay ang nagmana ng negosyo ng kanilang magulang at ang isa pa namang kuya ay isang nurse sa isang kilalang hospital sa Quezon City. Sinabi niya ring kailangan niyang patunayan sa mga kapatid niya na kaya niyang mabuhay ng hindi umaasa sa kanila. Nagsimulang tumulo ang luha ni Marco nang banggitin niya ang sinapit ng kanyang mga magulang. Nag-crash kasi ang sinasakyang eroplano na patungo sana sa Malaysia na kung saan nagtratrabaho dati si Marco. Iniisip niya na siya ang may kasalanan at hanggang sa ngayon ay nagi-guilty parin siya sa sinapit ng parents niya.Agad namang pinutol ni Luisa ang kanilang usapang personal "Teka lang nagtext ang nanay ko, babasahin ko lang sandali." tugon ni Luisa. Pero ang totoo niyan eh pati siya naiiyak na din. Mayat-maya ay nagplano ang dalawa na sabay silang maghanap ng trabaho. Sabagay parehas naman silang balak magtrabho as waiter eh siyempre waitress yung isa kasi babae kailangan may gender of nouns, natutunan ko yan sa English teacher ko noon. Hahaha.

     Sabay ngang naghanap ng trabaho ang dalawa. Halos malibot na nila ang Metro Manila. Pare-parehas naman ang sinasabi, "Tatawagan ka na lang namin kung may bakante." ; "Madami pa kasi kaming OJT kaya hindi muna namin kailangan ng tao." Alam naman natin na kapag sinabing "tatawagan" eh hindi pa sila interesado.

...Itutuloy


No comments:

Post a Comment