Thursday, May 8, 2014

Episode 7: New JOB!

...sa pagpapatuloy ng istorya.

     Kinabukasan... Maagang nagising si Luisa. Nagmamadaling naligo. Nakaluto na ng agahan si Aling Freda at nag aalmusal na ang mga kapatid ni Luisa habang si Mang Ted naman ay nagbabasa ng diyaryo at nanunuod ng isang pang umagang palabas sa tv. Nakabihis na si Luisa at nagmamadaling lumabas. Dumampot ng isang tinapay para kainin na lang sa daanan. Agad din siyang nagpaalam sa mga magulang. Habang naglalakad si Luisa papuntang sakayan ng jeep, nag text siya kay Marco “Hoy! Gising na, may lakad pa tayo ngayon!”-àtext. Sa kabilang dako naman, kasalukuyang naliligo pa lang si Marco. Narinig niyang may nag text kayat agad siyang lumabas ng banyo para basahin ito. Habang binabasa ang mensahe ni Luisa, siya ay kinikilig. Bumalik siya sa banyo upang ipagpatuloy ang paliligo. Binilisan nito ang kanyang mga gawain at mukhang hindi na nga siya nag-almusal. Parehong patungo na ang dalawa sa address na nilagay sa calling card ang tinulungan nilang matanda. Ayon, maaga silang nakarating. Nagkamustahan ang dalawa at patuloy pa ring tinatanong ni Luisa si Marco kung bakit agad siyang umalis nong ihatid siya nito. Ngunit iniiba sa tuwing tanungin siya ni Luisa ay iniiba nito ang usapan. Sinabi niya kay Luisa “Tara pasok na tayo.” Patuloy pa rin siyang tinatanong ni Luisa ngaunit puro palihis naman ang sagot ni Marco. Tumuloy sila sa HR department. Kinausap nila ang secretary ng matanda. Ang matandang iyon na may-ari ng hotel and restaurant ay si Don Antonio Legazpi. Tinawag nila ang secretary “Good morning po maam.” Sabi ni Luisa. Sumagot ang secretary “Hello! Good morning po. Kayo po siguro iyong sinasabi ni boss na bagong empleyado ng restaurant?” tumugon ang dalawa “Kami nga po maam!” Tinawag ng secretary si Lloyd. Si Lloyd ay ang katiwala ni Don Antonio sa restaurant. Pumasok sa office si Lloyd at kinausap niya sila Marco at Luisa “Kayo ba iyong bagong tanggap ni boss?” sumagot ang dalawa “kami nga po sir!” tumugon naman si Lloyd “Tara sumama kayo sakin. Sumama ang dalawa sa kuwarto ng mga empleyado para kunin ang uniform nila. Sinabihan sila ni Lloyd “Don’t call me Lloyd, call me Lloyda.” Hahaha isa pa lang beki itong si Lloyd ay Lloyda pala. “Tara ipapakita ko sa inyo ang settings ng restaurant. Ipinakita ni Lloyd ang restaurant at pamamalakad dito. Tinuruan niya ang dalawa at madali naman nilang nasundan ang mga ito. Ipinakilala din ni Lloyda ang iba pang empleyado sa restaurant “Ito si Mang Roman-ang guwardiya, sina Daisy at Alex-cashier, si Ricky-head waiter, mga waiters and waitresses-Jim, Wally, Norman, Monica, Sally at Che. Mag-observe muna kayo ngayon at bukas magsisimula na kayo.” Sumagot naman ang dalawa “Nice meeting you all po. Sige po sir.” Anila. Sumakit ang tuhod ng dalawa dahil maghapon silang nag-observe pero kailangan nilang tiisin kasi parang ito na lang talaga ang chance nilang trabaho.

      Pagkatapos ng isang buong araw na pag-observe, niyaya sila ni Lloyda na kumain sa labas. Pumayag naman ang dalawa siyempre superior eh! Pero nagtaka ang dalawa sa kabaitan naman pala ni Lloyda kayat tinanong ni Luisa si lloyda “Sir, matanong lang ha! Bakit ang sungit niyo sa work pero sobrang bait niyo naman dito sa labas?” Sumagot naman si Lloyda “Siyempre, character ko lang iyon. Gets mo na neng?” aniya at tumawa na lang si Luisa. Nagkuwentuhang ang tatlo tungkol sa dinanas nila sa buhay.


…itutuloy.

No comments:

Post a Comment