Monday, May 5, 2014

TORPE

...sa pagpapatuloy ng istorya.

     Natuwa ang dalawa dahil sa trabahong pangako sa kanila ng matanda na nagbigay ng business card. Dahil sa tuwa, niyaya ulit ni Marco si Luisa na kumain sa labas pero this time nagvolunteer si Luisa na siya naman ang taya. Naghanap sila ng malapit na makakainan. Habang sila ay kumakain, tinititigan nanaman ni Marco si Luisa. Talaga namang crush na crush niya si Luisa pero hindi niya lang masabi-sabi ang nararamdaman niya dahil siya ay torpe. Nahuli tuloy siya ni Luisa na nakatingin sa kanya "Bakit? May dumi ba sa mukha ko?" sabi ni Luisa. Sumagot naman si Marco "Ay! Wala, wala.". "Bakit mo ako tinitignan?" tanong ni Luisa. Pagkakataon mo na Marco upang sabihin ang nararamdaman mo. Pero naunahan pa rin ng kaba kaya iniba niya na lang ang usapan "Ano na plano mo at kung sakali may trabaho na tayo?" tanong ni Marco. Sumagot si Luisa "Siyempre uunahin kong tulungan ang mga magulang ko, bibigyan ko sila ng kunting puhunan para makatayo sila ng kunting sari-sari store at papag aralin ko ang aking mga kapatid sa isang malaking university. Eh, ikaw? Ano naman plano mo?" aniya. "Ako? Ipon ipon muna saka bibili ako ng condo, magagarang sasakyan magkakaroon ng sariling negosyo." sagot ni Marco. Akala mo naman kalakihan ang sahod ng service crew. Kung yan ang pangarap ni Marco, dapat pumasok na lang sana siya sa pulitiko. Hahaha.

     
     Tapos nang kumain ang dalawa at papagabi na rin. Sinabihan ni Marco si Luisa "Ihahatid na kita." sumagot naman si Luisa "Oh talaga? Sige sige para makilala mo sila mader at pader at mga kapatid ko. Hinatid nga ni Marco si Luisa pauwi. Hindi maipaliwanag ang saya sa mukha ni Marco. Nawala ang saya niya nang makita niya ang daanan. Napakagrabe, puro makikipot na iskinita pero sa kabila ng mga ito ay walang takot parin ni Marco na sinamahan si Luisa papauwi. Nakarating na nga sila at alas-8 na ng gabi. "Taraan! Iyan ang bahay namin." sabi ni Luisa. Nahihiya at kinakabahan nanaman si Marco kayat nagpaalam na itong umuwi at nagdahilan na may gagawin pa siyang iba "Uhm! Mauna na ako, nakalimutan ko may gagawin pa pala ako. See you tomorrow!" at agad namang tumakbo si Marco. Nagtaka si Luisa "Ano kayang nangyari dun?". Pumasok si Luisa sa kanilang bahay at nadatnan niyang tulog na ang kanyang pamilya. Umupo siya sa hapagkainan, walang makitang makakain kaya dumiretso na lang siya sa kanyang kuwarto. Agad naman siyang nagbihis ng pambahay. Nakaharap sa salamin at tinitignan ang kanyang hinaharap, hubog ng kanyang katawan at pinagmasdan ang kanyang mukha. Humiga na siya at iniisip pa rin niya ang biglaang pag alis ni Marco. Tinanong niya ang sarili “Ano kaya ang nangyari dun at bigla siyang umalis?”. Mayat maya ay nakatulog na si Luisa. 

...itutuloy.

No comments:

Post a Comment