In the times of Medieval, there is a princess known to be........ wait! Hindi naman pala Foreign films itong
kuwento natin. Ito ay istorya ni Luisa. Si Luisa ay anak nila Aling Freda at Mang Ted Calderon, panganay
siya sa apat na magkakapatid. Walang trabaho ang ama ni Luisa at pa ekstra ekstrang labandera naman ang
ina niya. Nakapagtapos si Luisa ng isang vocational course sa isang paaralan sa lugar nila. Naka pag
graduate siya dahil pina aral siya ni Mang Ted noong nasa Taiwan pa siya at nagtratrabaho bilang isang
Factory Worker. Napa-uwi si Mang Ted dahil siya ay nagkasakit sa Taiwan, naubos ang ipon nila dahil sa pagpapagamot sa kanya at ngayon ay umaasa na lang kay Luisa.
Magsisimula ang kuwento ni Luisa sa isang job interview niya. Maaga pa lang ay nakabihis na siya, napaka postura at animoy parang isang stewardess ang itsura niya. Maaga siyang dumating sa interview ngunit nagulat siya sa kanyang nakita. Ang pag aakalang maaga na siya ay mas marami pa palang maagang pumunta sa interview maliban sa kanya. Mahaba ang pila ngunit nagtiis si Luisa hanggang sa matawag ang pangalan niya "Ms. Luisa Calderon." aniya ng secretary, "Ako po iyon Madam." tugon naman ni Luisa. Pinapasok siya sa office. Pagkapasok niya, siya ay nanlamig at wari'y nanginginig...aah napakalakas naman pala ng aircon eh kaya pala. "Good morning sir!" bati ni Luisa, "Good morning! Please sit down." sagot ng manager. Huwag na huwag po nating gayahin itong interview ni Luisa kundi siguradong babagsak kayo. Hahaha! "Anu-ano ang mga skills mo, Ms. Calderon?" tanong ng manager "Nasa resume ko po sir" sagot ni Luisa"; "Alam kong nasa resume mo pero gusto kong marinig mismo ito sa io." paliwanag ng manager. Napalunok si Luisa at sumagot ng "Kung ganun sir, walang silbi itong resume ko kung nais ninyo paring marinig sa bibig ko ang mga isinulat kung mga skills ko.". "Hah! Nabasa ko na ito kanina pa before you entered this room." Medyo papikon na sagot ng manager. "Kung ganun po ay alam niyo na po ang mga skills ko." mayabang na pagkakatugon ni Luisa; "Hah! (confused) For instance, natanggap ka sa trabahong ito...." Napatigil ang manager dahil sumabat si Luisa ng " Maraming salamat sir. Don't worry I will try my best to give an impact to this company."; "Wait! Ang sabi ko for instance lang so it means to say just assume." paliwanag ng manager, "So ibig niyong sabihin kailangan i assume ko din itong interview at pag natanggap po ako, assuming pa rin iyon???" Medyo mellow dramatic na sagot ni Luisa. Nagagalit na ang interviewer "What? YOU'RE FIRED!" sigaw ng manager. "Hindi pa nga ako natatanggap, FIRED na agad!?" tugon ni Luisa, "Okay! You're hired and YOU'RE FIRED!!!!!!!" sigaw ng interviewer. Lumabas naman si Luisa na galit na galit din sa manager at makikita ang pagka pikon at pagkainis niya. Padabog siyang lumabas at animoy mga kulog ang padyak ng mga paa at sumigay ng "I HATE THIS PLACE!!!!" hindi niya napansin ay sumigaw siya sa harap ng dining hall at ang lahat ng kumakain ay nakatingin sa kanya. Hiyang-hiya si Luisa at siya ay namula. Hahaha! (Tumatawa ang author) Binitbit siya ng dalawang malalaking guwardiya palabas ng restaurant. Nainis si Luisa at pinagtuturo niya ang restaurant sabay sabi ng " Malulugi ka rin walang hiya kang restaurant ka!!!".
...to be continued
No comments:
Post a Comment