Tuesday, May 6, 2014

Episode 6: CONFLICT

...sa pagpapatuloy ng istorya.

     Nagmamadaling umuwi si Marco at iniwan na lamang si Luisa malapit sa bahay nila. Sinabi niya sa sarili "Maiintindihan naman siguro ni Luisa kung bakit ako nagmamadaling umuwi. Total, maaga naman kami bukas para sa big break namin. Sa wakas, may trabaho na kami." tuwang tuwang papauwi si Marco at bigla siyang napahinto. Naghihintay pala ang kanyang kuya sa harap ng tinutuluyan niyang bahay. Nagsalita ang kanyang kuya. "Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Adrian. Si Adrian ang panganay sa kanilang magkakapatid. Siya ang nagmana sa negosyo ng kanilang magulang. May isa pang kuya si Marco, si Timothy. Si Timothy ay isang nurse sa isang sikat na hospital sa Quezon City.

     Pumasok sa bahay si Marco na parang walang narinig at nakitang kapatid kaya hinablot ni Adrian iyong damit ni Marco at hinila papalabas. "Kinakausap pa kita, huwag kang bastos!!" sinabi ni Adrian at mukhang galit na galit. Sumagot si Marco "Hindi ba sinabi mo na sakin na wala kang pakialam kung ano man ang gawin ko sa buhay!?".

     (Flashback) Si Marco ay dating nagtratrabaho sa Malaysia bilang waiter sa isang sikat na resort sa Kuala Lumpur. Malaki ang sahod, nakakuha ng condo sa Malaysia adahil sapat naman ang kanyang kinikita para sa na rentang condo. Dahil sa malaki ang sahod niya, niyaya niya ang kanyang parents para magbakasyon dun. Noong una, hindi sila pumayag dahil kung aalis sila walang mag aasikaso sa negosyo nila. Isa sa pinakamalaking supplier ng asukal ang negosyo ng magulang nila Marco. Sinabihan sila ni Adrian na siya muna ang mag aasikaso para makapasyal sila sa Malaysia. Nangyari nga ang hindi inaasahan. Nag crash ang sinasakyang eroplano. Malaking pagsisisi ni Adrian at pinayagan niya pa ang mga ito pero mas malaki ang galit niya kay Marco. Nakarating ang balita kayMarco at agad naman siyang umuwi sa Pilipinas. Pagdating pa lang sa bahay ay sinugod na siya ni Adrian "Kung hindi dahil sa'yo, hindi sana mangyayari ito! GET OUT! GET OUT!" Pinigilan ni Timothy si Adrian at mga pinsan niya. Lumapit si Marco sa labi ng kanilang magulang "Mom, Dad, I'm so sorry." lumuluhang umalis si Marco. Sa araw ng libing, dumating ulit si Marco. Nag resign na pala siya sa kanyang trabaho sa Malaysia. Nakita ulit siya ni Adrian at pinagsisigaw. Pinigilan naman sila ng kanilang tita. Si Tita Karla, ang natatanging kapatid ng kanila ama. Sinabihan ni Tita Karla si Adrian "Huwag dito anak. Igalang niyo naman ang libing ng inyong magulang. Patapusin niyo muna ito at pag usapan niyong magkapatid." maamong sinabi ng kanilang tita. Pagkatapos ng libing, ilang gabi ding umiinom si Marco sa bar. Nilustay niya ang kanyang pera sa pag-inom at pagsugal.Tumatakas siya sa realidad ng buhay dahil sa tuwing siya ay nalalasing, nakakalimutan niya ang kanyang magulang, pero sa tuwing siya naman ay nagigising, naaalala ulit ang sinapit ng kanyang parents. Patuloy pa rin ang pag-inom ni Marco hanggang sa puntong wala na siyang ipon. Humiram siya ng pera sa kuya niyang si Timothy. Humiram ulit ng pera sa tita nilang si Karla. Kung sinu-sino na lang pinaghihiraman ni Marco ng pera. Naging palamunin, inakyat ng katamaran at umaasa na lamang sa kapatid niyang si Timothy.

     (Tumunog ang telepono sa bahay ni Timothy.)
"Hello?"  -Timothy
"Kasama mo ba sa bahay mo si Marco?"-Adrian
"Uhm.. Oo kuya! Bakit?"-Timothy
"Paalisin mo siya! Sabihin mong maghanap siya ng trabaho niya at huwag umasa sa'yo!"-Adrian
"Bakit naman kuya? Kapatid pa rin natin siya!"-Timothy
     Hindi nila alam pinapakinggan pala sila ni Marco.
"Basta! Tumawag sa akin si Tita Karla, may utang pala siya kay tita, paano niya mababayaran ito kung ganyang lang pinaggagawa niya?"-Adrian
    Agad binaba ni Adrian ang telepono.

     Nagkunwaring kagigising lang ni Marco at hindi maka kibo si Timothy dahil hindi niya kung paano niya sasabihin kay Marco iyong utos ni Adrian. Agad namang naligo si Marco at nagbihis ng magara. Tinanong siya ni Timothy "Saan ka pupunta?" sumagot si Marco "Maghahanap ng malilipatan at maghahanap ng trabaho." Nagulat si Timothy dahil iyon ang kautusutusan ni Adrian sa kanya.

     (Present) Balik tayo sa ingkuwentro ng dalawang magkapatid-sina Adrian at Marco. Binitawan ni Adrian si Marco at hinayaan na lamang itong pumasok sa inuupahang bahay.

...itutuloy

No comments:

Post a Comment