Wednesday, May 14, 2014

Episode 10: First Date

...sa pagpapatuloy ng istorya.

            Sa pagtatapos ng kanilang trabaho, nakita ni Luisa na nakaabang si Edward sa kanya kaya nagpaalam siya sa dalawa. May usapan kasi ang dalawa na lalabas sila para kumain sa isang special na restaurant. Tinanong siya ni Marco “Sasama ka diyan eh kakikilala mo pa lang sa kanya?” sumabat naman si Lloyda “Matagal ko nang kilala si Edward, hindi siya masamang tao. Regular customer namin siya at lumalabas naman kami kung nagyayaya siya.” sabi ni Lloyda kay Marco. Bago umalis si Luisa ay tinanong niya pa ang dalawa “Gusto niyo bang sumama?” sinagot siya ni Marco “Papayag naman ba si Edward kung sasama kami eh parang date yan eh!?” Tumugon naman si Luisa “Bahala kayo! Bye!.” At sumama na nga si Luisa kay Edward. Habang siya ay papalapit ay pinagbuksan siya ng pinto ni Edward at pumasok na din si Edward sa kanyang Lexus LS Hybrid Blue. Sino ba naman ang hindi gustong sumakay sa isang 5million pesos worth na car. Actually may mas mahal pa diyan na kotse kaya lang pangarap ko din kasi yan eh. Hahaha. Balik tayo sa kuwento. Umalis na nga ang dalawa pero makikita pa rin ang kaba kay Marco. Tinext niya si Luisa kung saan sila papunta “Baka kung saan ka dalhin ni Edward ha! Text mo or tawagan mo ako kung may mangyaring masama.”àtext. Patuloy pa rin ang pag-aalala niya dahil hindi pa nagrereply si Luisa. Mayat maya ay nag text na din si Luisa at sinabi niya kay Marco na nasa malapit din lang silang restaurant kung saan sila nagtratrabaho. Panatag na siyang umuwi pero bago pa siya umalis ay niyaya din siya ni Lloyda na mamasyal sa isang park na malapit sa pwesto nila.

            Sa kabilang dako naman, nakarating na nga sila Luisa at Edward sa isang restaurant at pumasok na silang dalawa. Naunang pinaupo ni Edward si Luisa. Nagpasalamat si Edward dahil pumayag si Luisa na sumama sa kanya. Hindi rin mawala ang saya kay Luisa dahil sa na love at first sight siya kay Edward tapos, niyaya pa siyang kumain sa labas ng silang dalawa lang. Kilig to the bones si Luisa. Agad naming nabigla si Luisa nang hawakan ni Edward ang kamay niya sabay sabi “The first time I saw you, it’s like.. ikaw na ata ang babaeng makakasama ko for life. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, gusto kita Luisa. I like you.” Parang hihimatayin naman si Luisa sa mga sinabi ni Edward. Bukod sa crush niya to, di mailalantala ang kaguwapuhan ni Edward. Hindi alam ni Luisa kung ano ang sasabihin niya, animoy parang na-pipi siya. Tumigil ang oras niya. Para siyang lumulutang sa kalangitan. Natapos din ang lahat ng iyon dahil kailangan niyang sagutin ang mga sinabi ni Edward. Hindi isang easy to get na babae si Luisa, pero pinapairal niya ang kanyang puso para umibig at hindi ang kanyang utak. Kailangan niya talagang sumagot.

…itutuloy.


No comments:

Post a Comment